Chapter Thirteen:Best in me~

1.2K 32 0
                                    

Chapter Thirteen


Skyeisha's POV


"Nga pala baby, magiging busy ako sa susunod na araw." Sabi ni Gemini.

Nandito ulit kami ngayon sa pavilion para itutor ulit siya..miyerkules ngayon at kakatapos lang ng math class naming..wala na akong klase sa buong araw na ito kaya naman umuwi na naman si Charene..

"Ano bang gagawin mo?" tanong ko na nakatingin sa libro..

Hindi ito nagsalita..

Ibinaba ko ang librong binabasa ko at tinignan siya..

Hindi ito nakatingin sa akin..

Tinignan ko ang tinitignan niya..at ayun, nakita ko sa malayo si Monique Santos - ang nanalong Ms. SAU ditto sa skul na naglalakd na animoy isang modelo sa suot..

Actually, halos lahat ng mga lalaking nadadaanan nito ay tumitingin sa kanya..panu ba naman kasi, nakasuot lang ito ng red tube at short shorts..Jusko! para naman siyang nasa contest..

Nang makalapit ito sa pwesto naming ay tumigil ito..

"Hi Gemini.." Malanding sabi nito at sabay kindat.

Ngumiti si Gemini sa kanya at tinignan ako pagkatapos ay tumingin ulit ito kay Monique at kumindat din..

"Flirt!" mahinang sabi ko pero narinig yata ni Gemini dahil tumingin ito sa akin..

Umalis na din naman si Monique pagkatapos nilang magkindatan ni Gemini..

Buti naman..

Tumikhim muna ito bago nagsalita..

"May training camp kami bukas hanggang sa Saturday yun." He said

Tinaasan ko siya ng kilay..buti naman at narinig niya yung sinabi ko.. akala ko hindi eh..

Di ko siya pinansin..nagpatuloy lang ako sa pagbabasa..

Narinig kong humalakhak ito ng konti..

Napatingin ako sa kanya ng nakakunot noo..

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

Ngumisi lang ito habang uliiling iling pa..umirap lang ako sa kanya..tumawa lang ito sa pag irap ko..

Nakakainis talaga ang lalaking to..kabanas!

"Bat k aba tumatawa? Baliw ka talaga." Naiinis na sabi ko..

"Are you jealous?" nakangising tanong nito..

"What? Kanino naman ako magseselos?" tanong ko ng nakakunot ang noo..

"Kay Monique."- Gemini

"What? Bakit naman ako magseselos dun?Duh..di ako bitter noh!" sabi ko saby irap ulit..

"Di hamak na mas maganda naman ako dun noh." Mahinang sabi ko..

Tumawa ito..

Halos umusok ang tenga ko ng marinig ko ang tawa nito..tinignan ko siya ng masama..

"Di daw bitter oh.." natatawang sabi nito..

"Che! Tumigil ka ah..di ka nakakatawa. Sabi ko at inihampas ko sa kanya ang libro kong mathematics..

"Magbasa ka jan para may matutunan ka naman ngayong araw."-me

Kinuha nito ang libro at binuklat..nakangisi ap rin ito..

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng librong the notebook by Nicholas sparks..ganda nga ng librong to eh..actually, halos lahat naman ng books niya ay puro magaganda..pero ang pinakafave ko talaga ay yung A walk to remember.. naiyak ako dun eh..

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng mapatigil ako..

Naririnig ko kasing kumakanta si Gemini..

"And you know that we belong together..and just had to be you and me.."

Napatingin ako sa kanya. Nakayuko ito at nakatingin sa librong binubuklat buklat nito habang kumakanta..ngumingisi ngisi pa nga ito eh..

"Coz you bring out the best in me like no one else can do..that's why I'm by your side..."

Bigla nag angat ito ng tingin at seryosong tumingin sa mga mata ko habang kinakanta ang huling lyrics..

"..and that's why I love you."

Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon