Chapter Twenty Two: Dare~

1.3K 22 1
                                    

Chapter Twenty Two

Gemini POV

"Captain, yung cellphone mo tumutunog." Anang isang teammate ko.

Ipinasa ko ang bola kay Trevor at dali dali nagpunta sa mga upuan kung saan nanduon ang gym bag ko. Dinampot ko ang aking cellphone na nakapatong sa bag ko. Tinignan ko ang caller. Si Cloud.

"Hello." Sinagot ko ang tawag.

"Gemini. Ako to! Ang papa ni Skyei." Sagot nito sa kabilang linyo.

"Tito." Kumunot ang noo ko."Bakit po? May problema po ba? Si Skyei?" Agaran kong tanong.

Yun lang naman ang alam kong dahilan ng pagtawag nito. Tungkol kay Skyei.

"Wala namang problema. Kakahatid lang ni Neptune sa kanya sa eskwela. Hindi mo raw siya masusundo dahil may practice game kayo."

"Opo." Tumango pa ako na para bang nakikita nito ang pagtango ko.

Nagbuntong hininga ito."Kaya ako tumawag ay para sana makiusap sayo na pakibantayan si Skyei. Nag aalala ako sa batang yun. Kagabi ay nanaginip siya. Hindi naman niya kinukwento kung ano yung napanaginipan niya at ganun na lang ang inasta niya. Umiiyak at parang takot na takot. Hindi ko maintidihan." Tumigil ito sa pagsasalita at nagbuntong hininga ulit."Sabi mo ay bago mo siya dinala sa ospital ng araw na himatayin siya ay naging hystirical muna ito."

"Opo. Nagulat nga kami nina Charene sa inasta niya. Umiiyak at takot na takot. Parang may naririnig siyang bulong dahil tinatakpan niya ang mga tenga niya. Tsaka nung tinignan niya ako ay parang hindi niya ako kilala." Sabi ko. "Ano po bang sabi ng doktor na tumingin sa kanya?" Tanong ko.

"Over fatigue. Masyado daw siyang nag iisip kaya sumakit ang ulo niya. Bukod duon ay wala na."

Gusto kong magsuggest na patignan ulit siya sa doktor pero nakakahiya naman. They're worried about Skyei. Ako din naman eh. Nung nakita ko siyang maghisterya ay natakot ako. Akala ko kung ano na ang nangyayari.

"Can you look for her? Tawagan mo ako pag may nangyari." Pakiusap nito.

"Sure thing, Tito."

Nagpaalam na ito sa akin. Binaba ko ang tawag at ipinatong ulit ang cellphone ko sa gym bag ko tsaka nagjog palapit sa mga teammates ko. Tumabi ako kay Trevor.

"Sino yung tumawag? Si Skyei?" Tanong nito.

"Hindi." Umiling ako."Yung daddy niya."

Tumingin ito sa akin ng nakakaloko. Dinunggol niya ang balikat ko.

"Mukhang boto ang daddy niya sayo ah." Ngisi nito.

Ngumisi ako. Kung alam mo lang Trevor. Gusto nga ako ng daddy niya, ang mga kuya naman niya ay grabe ang pagpaparinig sa akin. Except kay Cloud na kasundo ko naman. Parehas kaming maloko kaya kami magkasundo. Pero yung dalawa, grabe! Kulang na lang barilin nila ako. Though, alam ko naman na magiging protective sila kay Skyei. Syempre, nag iisang babae eh. Kung ituring nga nila ay parang prinsesa. Kapag sinaktan ko siguro yun, susugurin ako ng mga kuya niya. Magtago ka na, Gemini!

Nang natapos ang practice game namin ay agad kong pinuntahan ang classroom ni Skyei. Wala kaming klase ngayon dahil excuse kaming mga players. Kaya naman hindi na ako nagpalit ng jersey. Tinanggal ko na lang yung jersey shirt at nagpalit ng black sleeveless shirt. Ganun din ang ginawa nang tatlo.

"Susunduin mo si Skyei? Sabay na tayo. Sunduin ko din si Cha eh." Ani Rushmore at naunang lumabas sa locker room.

Nagkatinginan kaming tatlo bago sumunod sa kanya.

Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon