Chapter Twenty Six: Enough~

1.2K 21 0
                                    

Chapter Twenty Six


Gemini POV

Tulala ako habang isinasagawa ang hearing. kahit ang pamilya ko ay hindi makapaniwala. Pakiramdam ko ay nananaginip lamang ako. Hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Hindi kayang iproseso ng utak ko ang lahat. Why is this happening?

Tinignan ko si Skyei na umiiyak pa rin. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na nakikita ko siyang umiiyak habang nakaupo lang ako dito. Pero wala akong magawa. Pamilya ko at pamilya niya ang nakakonekta sa kaso. Ano na lang ang sasabihin ko? Na hindi namin alam ang totoo nuon? Ano na lang ang mangyayari sa aming dalawa?

Hinawakan ni Mommy ang kamay ko habang palabas kami ng court. Natapos ang kaso ng wala ako sa sarili. Tahimik lang akong nakatingin kay Skyei.

"Let's go, anak." Ani Mommy at hinila ang kamay ko.

"Mom.." tumingin ito sa akin.

Nilingon ko ang pintuan ng court. At nakita ko duon na papalabas na din sina Skyei. Tinignan ko ang pamilya ko.. Tinanguan ako ni Daddy.

"We'll wait you at the car." Anito

Tumango ako at tinignan silang umalis. Nang hindi ko na sila matanaw ay binaling ko ang tingin ko kina Skyei.

"Skyei.." tinawag ko siya.

Lumingon ito sa akin at nagtama ang aming mga mata. Her eyes is swell, siguro dahil sa kakaiyak.

Nakita kong binalingan nito ang mga kasama at may sinabi. Tumango ang mga ito at tumingin sa direksyon ko ang papa ni Skyei. Tumango ito sa akin at tipid na ngumiti.


Nang umalis na ang mga ito ay agad akong lumapit sa kanya.

"Hey.." hahawakan ko sana siya pero lumayo ito sa akin.

Napatingin ako sa kamay kong nasa ere pa rin. Binaba ko yun at tinitigan siya.

Nabanaag ko ang sakit at galit sa mga mata nito. Galit para sa akin. Pero kahit ganun, nagawa ko pa ring salubungin ang mga tingin niya. Buong tapang kong sinalubong ang mga titig niya.


"We're okay, right?" Tanong ko.

Hindi ito sumagot. Tinignan niya lang ako na may poot sa mga mata.


"We're not okay," Malamig na sabi nito.


Natahimik ako at napalunok. Nag iwas ako ng tingin. We're not okay because of the case. Dahil pamilya ko ang dahilan kung bakit napatawan ng death penalty ang papa nito. Dahil pamilya ko ang dahilan kung bakit nawala ang papa nito. Pero nawalan din kami.


Suminghap ako bago tumingin ulit sa kanya.


"Hindi naman tayo sa gulong to diba? We're okay. Hindi naman siguro makakaapekto sa relasyon natin ito diba?"


Umiling ito sa sinabi ko.


"Pamilya mo ang dahilan kung bakit mag isa na lang ako ngayon. Pamilya mo!" Mariing sabi nito."Galit ako sa pamilyang sumira sa buhay ng papa ko. At hindi ko matanggap na kasama ka sa pamilyang iyon." Umagos ang luha nito.


"Hindi ko alam kung paano kita papakisamahan at mamahalin. Kung merong isang masakit na ala ala ng nakaraan ang nakakonekta sa atin."

I literally hurt of what she said. What? Hindi niya alam kung papaano na akong mamahalin sa ngayon? Really? Nasabi niya iyon? Wow lang ah.

"Hindi lang ikaw ang nawalan. Nawalan din kami Skyei. Oo, kasalanan ng pamilya ko kung bakit nawala siya sayo. Pero wag mo namang isisi ang lahat sa amin. Dahil kung tutuusin, hindi mapapatawan ng death penalty ang papa mo kung hindi siya umamin." I want to get angry to her but i cant. After all, she is the woman i love.


Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon