Chapter Seventeen..
Gemini POV
Nagkatinginan kaming apat ng biglang umupo si Skye sa sahig at parang batang umiiyak. Nakatakip ang dalawang kamay nito sa mga mata nito na para bang pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha niya.
"Ang sakit ng mga sinabi mo eh...hindi ko matanggap, Charene. Ang sakit marinig mula sayo yung mga sinasabi ng mga ibang tao tungkol sa akin.." humihikbing sabi nito.
Napatingin ako kay Charene. Nakita ko ang pagsisisi sa mga mata nito habang nakatingin kay Skye na umiiyak pa rin.
"Skye, i-im s-sorry.." Charene said while crying too.
Natahimik kaming apat. Patuloy pa rin sa pag iyak si Skye na nakaupo pa rin sa sahig. Si Charene naman ay tahimik na umiiyak sa tabi ni Rushmore.
Tinignan ko si Skye tsaka tumingin ulit kay Rushmore. Tinitigan ko siya. Tumango ito sa akin ng maintindihan nito ang tingin ko.
"Let's go outside muna.." sabi nito kay Charene at inalalayan ito palabas ng classroom.
Nang makalabas na ang dalawa ay lumuhod ako sa harap ni Skyei.
"Stop crying.." hinawakan ko ang mga kamay niyang nakatakip sa mga mata niya.
Nag angat ito ng tingin sa akin. Kita kong namumula na ang ilong nito. Pati kilay namumula din. Namamaga na din ang mga mata nito.
Pinahid ko ang luhang patuloy na lumalandas sa mga mata nito..
"Labas na muna kami.."
Tumango ako kay Krypton at Trevor. Nakita ko pang pinaalis nila ang mga taong nakikiusyoso sa labas.
"Forget about what she said. Tahan na.."
Mas lalo itong umiyak. Kaya naman kinabig ko siya palapit sa akin at niyakap. Umiyak ito sa dibdib ko..
"Ssshhh.. tahan na.." hinaplos ko ang buhok niya.
Masyado niyang dinamdam yung sinabi ni Charene. Nasaktan siya duon ng sobra! Kita ko naman yun sa kanya. Hindi siya iiyak ng ganito kung hindi siya nasaktan.
This is the first time i saw her like this. Sa sinabing iyon ni Charene, nakita ko kung paano siyang magbreakdown. Siguro ay hindi niya inaasahang masasabi iyon ni Charene..lalo pa at bestfriend niya ito.
I always saw her as a brave girl. Hindi siya nagpapaapekto sa sinasabi ng mga ibang tao. Na kahit anong sabihin sa kanya ay wala siyang pakialam. Pero ngayong narinig niya iyon mula kay Charene.. masyado siyang naapektuhan. To the point, na naipakita na niya ang kahinaan niya.
It must really hard to hurt this girl.. parang hindi ko kakayaning saktan at paiyakin siya..
Ilang minuto din kaming naging ganun hanggang sa siya na ang kusang bumitaw..
"Okay ka na?" Ngiti ko.
Tinitigan niya ako. Kapagkuwan ay umiwas ng tingin.
Ngumisi ako. Siguradong mahihiya yan dahil sa nangyari.
"Hey, okay ka na?" Hinawakan ko ang baba niya at iniharap sa akin ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Love and Hate Collide
Teen FictionLOVE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay kinikilig at nagiging masaya ka!nagiging buo ang araw mo at lagi kang nasa good mood HATE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay nag-iinit ang ulo mo na parang gusto mo siyang saktan physic...