Chapter Two..
Skyeisha POV
Nakarating ako sa cafeteria na mainit ang ulo. Pakiramdam ko ay maha-highblood ako ano mang oras..
Bwisit na Gemini nay un. Akala nmo kung sinong hari kung makaasta. Hidi porket gwapo at mayaman siya eh ganun na ang inaasta niya. Tsk!
Kung nagtataka kayo kung sino ang lalaking yun..pwes sasabihin ko sa inyo.
Siya lang naman ang nag iisang lalaking kinaiinisan ko sa tanang buhay ko..Si Gemini Grey Monteverde Serrano- ang nag iisang cassanova at heartbreaker ditto sa campus naming. Habulin ng mga babae, captain ng basketball team, member ng swimming team, at higit sa lahat, ang nag iisang tagapagmana ng Serrano Corporation.
Isa ang pamilya nito ang pinakamayaman ditto sa pilipinas. Actually, silang apat na magtrotrop ay mayayaman talaga.
Pero ang pinaka talaga ay si Gemini, masyadong maimpluwensiya ang pamilya niya. Naglipana ang mga negosyo nila sa ibat ibang panig ng mundo. Balita ko nga ay marami din silang lupain. Tsk! Haciendero din ang loko.
Pero kahit ganun, la akong paki sa kanila. Pare-parehas lang kaming estudyante ditto na nagbabayad ng iisang tuition fee.
Ang pinagkaiba nga lang ay talagang mas angat lang talaga sila sa buhay. Pero kahit pa nasa kanila na ang lahat. Puro mga walang utak ang mga yun, puro mg kabulastugan lang ang alam nila. Mga flirt!
Lalo na yung Gemini nay un. Mabait lang sa mga magaganda at sexy'ng babae pero kapag pangit na ay sinusungitan na niya. Di na nahiya. Hayy! Nakakabanas talaga ang ganung lalaki. Mga jerk.
Tinignan ko ng masama ang babaeng naglagay ng pagkain sa harap ko.
"Oy easy lang bakla, di ako ang kalaban dito." Natatawang sabi ni Charene
"Bat ang tagal mong sumunod sa akin?" Tanong ko ssa kanya at kumuha ng pagkain sa table naming.
"Nu kaba! Para ka kayang kabayo kanina na naglakad, sobrang bilis."
"Sus! if I know tinitigan mo pa si Trevor duon." Pairap na sabi ko.
"Ui di ah. Bat ko naman siya tititigan?"
"Kasi nga crush mo."
Tumawa lang ito sa sinabi ko..
"Excuse me the! Hindi si Darling trevor ang tinignan ko noh." She said
"Eh sinong tinignan mo?" Nakakunotnoong tanong ko.
"Sino pa ba? Eh di si Almighty Gemini." Sabi nito at tumawa. "Grabe bakla, wala siyang nagawa nung sinuntok mo siya. Yung mukha niya, priceless." At napahagalpak ito ng tawa na parang baliw.
"He deserves that!"
"Kaya nga! Halos mamatay sa kakatawa yung mga katropa niya, galit nag alit nga eh."
"Masyado kasing mayabang kaya ayun ang nababagay sa kanya."
"Tama ka diyan..pero bakla, baka gumanti yun sayo. Ang lupit pa naman nung gumanti. Away kasi kayo ng away eh. Kailan ba kayo titigil?"
I rolled my eyes. Wala na kaming pag asa para magkabati.
"Hay naku! Wag ka nang umasang magkakabati kami nun. Pag magkasalubong kami animo world war 3 ang nangyayari kay wag ka nang umasa dahil talagang wala ng pag asa.." Mahaba kong litany.
"Weh?" Ngumisi ito."Baka mamaya mainlab kayo sa isat isa. Remember bakla, wag magsasalita ng hindi pa tapos."
"NEVER!" Nanghihilakbot na sabi ko.
Tumawa lang ito sa sinabi ko..
Kapag naiisip ko yun, nakakasuka! Nakakahilakbot..di ko yata maimagine..
Tsaka isa pa hindi ko type yun at mas lalong lalo na hindi mga simpleng babae ang type nun. Mga pangmodel ang type nun..manyak yun eh..
BINABASA MO ANG
Love and Hate Collide
Genç KurguLOVE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay kinikilig at nagiging masaya ka!nagiging buo ang araw mo at lagi kang nasa good mood HATE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay nag-iinit ang ulo mo na parang gusto mo siyang saktan physic...