Chapter Twenty: Officially mine~

1.3K 20 0
                                    

Chapter twenty..

Gemini POV

Kinabukasan ay sinundo ko si Skyei sa bahay nila. Maaga akong nagising at talaga namang ngiting ngiti ako ng bumangon ako sa kama. At dahil kami na nga.. ehem! Kami na talaga.. oo, inamin niya sa aking gusto na niya ako. Syempre masayang masaya ako. Di ko akalaing ganun lang kadali na magiging kami eh. Akalain mo yun? Easy to get pala ang babaeng yun.. haha.. pero joke lang.. mahal ko yun noh.

Kaya naman heto ako ngayon at hinihintay siya sa labas ng gate nila. Wag na daw akong pumasok sa loob ng bahay nila dahil lalabas na din daw naman siya. Sus! If i know, baka ayaw niyang makita ako ng pamilya niya.

Bumukas ang gate nila. Akala ko ay si Skyei na pero yung guard pala.

"Sir, pasok daw po kayo sabi ni Mam." Sabi nito. "Ipasok niyo na lang po yang sasakyan niyo sa loob."

Agad akong tumalima. Sumakay ako sa sasakyan ko at pinaandar yun papasok sa gate. Pagkapark ko sa sasakyan ko ay agad akong lumabas. Nakita ko duong may tatlong sasakyan na nakapark. Infairness, malawak ang parking space nila.

Naglakad ako papalapit sa pinto. May nakita akong isang maid duon at mukhang hinihintay ako. She open the double doors for me. Pumasok ako duon.

Inisip ko kung andito ba ang mga kuya at daddy niya. At nang makapasok ako ay nakita ko duon ang isang lalaking mas matanda lang ng konti kay Daddy. He's at mid 40's i guess. Sa tabi nito ay isang lalaking hindi nalalayo ang edad sa akin.

"Good morning po." Magalang na bati ko.

Pakshet! Meet the parents na ito. Buti na lang handa ako.

"Maupo ka muna dito, hijo. Kagigising lang ni Skyei. Pasensya ka na sa batang yun." Sabi ni Gen. Enriquez.

Yes, i know him. Siya ang pumalit na General sa lolo ko. Nakikita ko rin siya minsan sa tv.

"Okay lang po, sir. I'll just wait na lang po." Magalang na Sagot ko.

Ginuide ako ng maid palapit sa kulay kremang sofa. Umupo ako sa harap ni General Enriquez at yung kuya ni Skyei, i think.

"What is your name? What are your relationship to my sister?" Tanong nung lalaki. Seryoso itong nakatingin sa akin.

"I'm Gemini Grey Serrano po. Ahm.." nag isip ako kung sasabihin ko bang kami na ni Skyei. Pero bago ko pa masabi yun ay nakita kong nagkukumahog na bumababa ito ng hagdan. Naka itim na shorts at lose sleeveless shirt. Gulo gulo pa ang buhok at mukhang kagigising lang.

"Dad! Kuya!" Ngumiwi ito ng makalapit sa akin.

"Diba sabi ko wag ka nang pumasok? Bakit pumasok ka pa?" Bulong nito sa akin.

So ibig sabihin hindi talaga siya ang nagsabing pumasok ako?

"Pinapasok ko siya, Skyei. Kagigising mo pa lang at alangan namang maghintay ang boyfriend mo sa labas. Ang bagal mo pa namang kumilos." Sabi ng papa nito.

Ngumiwi ulit si Skyei.

"Boyfriend?" Kumunot ang noo ng kuya ni Skyei.

"Oo. Boyfriend ko siya kuya."

Napatingin ako kay Skyei sa sinabi nito. Damn! She said that? Kinikilig tuloy ako.

"Uy narinig ko yun bunso." Biglang sumingit ang isa pang lalaki. May hawak itong isang mug ng coffee sa isang kamay. Tinignan niya ako."Hi, bro. I'm Cloud Enriquez. Kuya ni Skyei." Naglahad ito ng kamay.

Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon