Chapter Nineteen: Jealousy~

1.2K 25 0
                                    

Chapter Nineteen..



Skyeisha POV




Dahan dahan kong iminulat ang mga mata. Puting kisame ang nabungaran ng aking mga mata. Inalala ko ang nangyari. Nawalan ako ng malay kanina at may sumalo sa akin kaya ako nandito ngayon sa clinic.




"How's your feeling?"



I dont know pero pakiramdam ko ay nainis ako ng marinig ko ang boses ng nagtanong. PArang gusto ko siyang ibalibag sa kung saan.




Hindi ko tinignan si Gemini. Hindi rin ako nag abalang sagutin ang tanong niya.



Bumangon ako sa kama. Nabawasan na ang sama ng pakiramdam ko kaya kaya ko naman na ang tumayo.




"Wag ka munang magalaw. You rest, Skye." Sabi ulit ni Gemini.




Di ko siya pinansin. Bumaba ako sa aking kama at hinanap kung nasan na ang dollshoes ko. Nakita ko iyon sa tabi ni Gemini. Nakita ko rin ang mga gamit ko duon.




Lumapit ako duon at sinuot ko ang dollshoes ko. Akmang kukunin ko na rin sana ang mga gamit ko ng pinigilan ako nito.




"Ang tigas ng ulo.."




Bigla ko siyang hinampas. Sa sobrang inis ko sa kanya kahapon ay nailabas ko na ngayon.




"Bwisit ka! Bwisit ka! I hate you! I hate you! I hate you!" Pinaghahampas ko siya ng bag ko.




"Hey stop it!" Pilit niyang sinasangga ang mga hampas ko pero hindi pa rin ako tumitigil.




Nang makahanap siya ng tiyempo ay hinawakan niya ang bag ko. Akmang susuntukin ko yung kamay niya nang bigla niyang binitawan ang bag ko dahilan para mapaupo ako sa sahig.





Naramdaman ko talaga ang sakit sa pwet ko. Tinignan ko siya ng masama. Mas lalo lang akong nainis nang makita ko ang mukha niyang natatawa.



"BWISIT KA!" Umagos ang luha ko sa sobrang frustrated.




"Uy bakit ka umiiyak? San ang masakit? Sorry! Let me help you.." natatarantang lumapit ito sa akin.




"Dont touch me, you jerk!" Sigaw ko ng akmang hahawakan ako nito.




Natigilan ito. Mukha niya parin ay natatawa. Mas lalo akong umiyak.




Walangyang lalaki! Bwisit! Bakit ba siya nandito? Bakit hindi na lang niya samahan yung mukhang pwet niyang syota. Nakakainis! Paasa!




"Wag ka nang umiyak. Anong bang problema? Bat galit na galit ka sa kin?" Mahinahong tanong nito.




Tinignan ko siya ng masama."Ewan ko sayo'ng walanghiya ka!"





"Wag ka ngang magmura." Sabi nito at tinuro ako. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay para tulungan akong tumayo. Pumiglas ako pero masyadong mahigpit ang kapit niya sa akin.



"Wag ka ng pumiglas, baby. Masyado ka pang mahina." He said.."Ihahatid kita sa bahay niyo, okay? And please take a rest dahil ayokong nagkakasakit ka.."




Biglang nagbago ang mood ko sa sinabi nitong iyon. Yung kaninang naiinis na nararamdaman ko ay napalitan ng saya. Gusto ko tuloy ngumiti ng ngumiti ngayon. Pero ayokong ipakita sa kanya yun.




Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Humarap si Gemini sa akin ng nakangiti at pinunasan nito ang mga luha ko. Inayos niya rin ang nagulo kong buhok.




"Beautiful.."


Parang nagslow motion ang lahat ng nasa paligid ko. Nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha. Ang lakas lakas din ng pintig ng puso ko.



Unti unti nitong inilapit ang mukha nito sa mukha ko. Halos magkandaduling ako sa pagtitig sa kanya. at nung isang inch na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa ay napapikit ako. Pero imbes na sa labi ko maramdaman ang labi nito, sa noo ko iyon lumanding.




Lihim akong napangiti.




Lumabas kami ng clinic na nakaalalay pa rin siya sa akin. Hawak niya ang mga gamit ko sa isang kamay at nakahawak naman sa beywang ko ang isa, inaalalayan ako.





Kinikilig ako sa totoo lang. Pakiramdam ko ay kami na. Yung magshotang nagmamahalan ng sobra. Yung parang kami lang dalawa ang nakikita ng isat isa. Yung walang kontrabida.




Pero kahit yata sa totoong buhay ay may kontrabida. Akala ko sa teleserye lang ang mga iyon. Meron din pala sa reality. Katulad na lang ngayon.




"Hi, Gemini." Ngiting ngiti ang bruha sa harag ni Gemini. At ang malandi hindi man lang ako tinapunan ng tingin.




"Uy Yza.." tumigil kami ni Gemini sa paglalakad at ngitian yung isdang Yza.





Eksaherada akong tumikhim ng makita kong pumula ang mukha nito sa ngiti ni Gemini. Pati yung mga kasama nito ay impit na napatili. Mga inggrata! Araw araw kong nakikita ang ngiting yan kung kiligin naman kayo parang nakakita kayo ng mga anghel.





Nagmi-make face na talaga ako dito dahil hindi pa rin ito matapos tapos sa kakangisay. Para siyang uod na binudburan ng madaming asin kung kiligin. Tadyakan ko kaya to nang matigil sa pag iilusyon? Nakakainis na eh. Buti sana kung lihim lang na kilig pero hindi, lantaran ang lola niyo.






Nang nabwisit na talaga ako. Ipinulupot ko ang kamay ko kay Gemini. Ayun! Natigil ang impakta sa kakangisay. Walangya! Kanina pa ako nandito hindi man lang nila ako napansin. Mga impakta! Girlfriend is here. Give some respect naman! Jusko..





"Hindi ko alam na kayo na pala ni Skye, Gemini?" Tanong ng inggrata.





Sasagot na sana si Gemini nang naunahan ko na siya.



"Oo, kami na! Boyfriend ko na siya! May problema ka?" Taas kilay na tanong ko.





Hindi nagsalita yung uod. Tinignan niya ako from head to toe. Sige lang! Tignan mo ako! Mas maganda pa yung paa ko kesa sayo. Bruha!





Bago pa makapagsalita ulit yung babae ay hinila ko na si Gemini paalis dun sa mga langaw. Kabadtrip na ah! Mukhang di pa sila naniniwala sa akin. Ano namang nakakagulat dun? Maganda ako at gwapo si Gemini. Bagay kaming dalawa! Hindi katulad niya na mukhang kalabaw.





"Kaylan pa naging tayo baby?"





Napatigil ako sa paglalakad at tinignan si Gemini na mukhang baliw na nakangisi.




"Ngayon lang. May angal ka?" Mayabang na sabi ko.





Humagalpak siya ng tawa. Para bang isang malaking joke yung sinabi ko.




"Anong nakakatawa?" Inis na tanong ko.






Umiling ito at kinagat ang lower lip para pigilan ang pagtawa. Ang gwapo niya talaga.




Lumapit ito sa akin at inakbayan ako. Ngiting ngiti ito habang patuloy kami sa paglalakad.




"I can't believe this..." umiling pa ito.."Your jealousy makes me happy... a lot." Hinigit niya ako palapit sa kanya at masuyong hinalikan ang labi ko bago kami nagpatuloy sa paglalakad.





Hindi ako nagsalita. Tinignan ko ang mukha niyang sobrang aliwalas. Nakangiti siya ng matamis at nakikita ko din ang kislap ng kanyang mga mata. Napangiti ako. Kami na?








Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon