Chapter Twenty Three
Skyeisha POV
Hindi ko alam kung paano ako nakatakas sa kahihiyan na iyon. Puro mga nakangisi ang mga teammate ni Gemini sa akin sa tuwing nakikita o nakakasalubong ko sila. Umiirap na lang ako para maitago ang pagkainit ng aking pisngi.
"Balita ko naghalikan daw kayo ni Gemini sa locker room ah.." panirang sabi ni Charene.
Sa tuwing napag uusapan iyon ay umiirap ako. Ang hunghang na si Gemini ay tuwang tuwa. Para bang nanalo ito ng worth one million dollar sa pagkakangiti nito. Binabatukan ko nga kapag ganun!
Naging mapagmasid din siya sa mga taong nakakasalamuha ko. Syempre naman, ayaw niyang kinakausap ko si Allen. Ewan ko ba! Pagkatapos ng naging sagutan nila ay umusbong na rin ang galit niya para dito. Laging nanlilisik ang mga mata nito kapag nakakasalubong niya ang lalaki.
"Sige lang, Skyei. Ngitian mo lang siya! Kapag ako di nakapagtimpi. Babasagin ko na talaga ang pagmumukha nun!" Utas nito pagkatapos kong ngitian si Allen na nakasalubong namin.
Hinaplos ko ang braso niya at hinawakan ko ang kamay niya.. ng mahigpit. Sa tuwing nagagalit siya, ganun ang ginagawa ko. Para makalma siya. Nakakatakot pa naman siyang magalit.
"Tinanong ka sa akin ni Allen kanina. Iniiwasan mo?" Inosenteng tanong ni Charene..
"Ayaw ni Gemini na pansinin ko. Iwas iwas muna. Alam mo naman! Masyadong seloso." Sagot kong pabulong.
Tumawa si Charene."Selosong gwapo." Anito sabay tili.
Inirapan ko siya. Kung alam lang ni Charene kung anong mga kabalbalan ang ginagawa ng Gemini na yan para lang mabakuran ako. Minsan nang pauwi na kami, sabay kaming naglalakad papuntang parking lot nang mamataan namin ang grupo nina Allen. Saktong nakalapit na kami ng sasakyan nito nang lumingon ang mga ito sa amin. At ang ginawa ng hunghang, hinalikan ako. Hindi lang simpleng halik. It's a passionate kiss. Oo! Ipinakita niya iyon kina Allen. Ang gago talaga. Selos na selos! Wala naman akong gusto sa lalaki.
Magkahawak kamay kaming naglalakad dito sa mall. Niyaya niya akong magdate kami. Yung kaming dalawa lang. Aniya ay hindi pa daw kami nagdidate kaya sulitin na daw namin. Minsan kasi pag lumalabas kami ay kasama ang mga kaibigan namin. Wala kaming privacy'ng dalawa. As if naman, may privacy privacy itong nalalaman. Eh masyado nga siyang bulgar eh.
"San na tayo sunod?" Tanong ko ng matapos kaming manood ng sine.
Nagpalinga linga ako sa maaari naming mapuntahan. Puro mga botique at fast food ang nakikita ko. Mayroon akong nakita pero nagdadalawang isip ako. Marami na ang nag eenjoy duon. Nagpapaikot ikot. Yung mga iba naman ay nanduon lang sa gilid at mukhang hindi marunong.
"Mag ice skating tayo.." bago pa ako makaangal ay hinila na niya ako palapit sa ice skating.
"Di ako marunong.." sabay tawa ko at mahigpit na humawak sa kanya nang nanduon na kami sa loob.
Tumawa lang ito at hinila ako. Napatili ako sa sobrang bilis nito. Nagpaikot ikot kami duon habang nagtatawanan. Minsan nadudulas ako dahil talagang hindi ko alam ibalanse ang aking katawan. First time ko ito kaya hindi ako marunong. Si Gemini, expert na expert. Pinagtatawanan pa niya ako ng nadudulas ako at bumabagsak. Iniirapan ko lang siya.
Nang mapagod kami sa pag s-skate ay nagpunta kami sa yellow cab. Nag order kami ng pizza at kumain. Tawang tawa ako sa kanya. Maloko talaga ang lalaking ito. Ni minsan sa isang araw, hindi ko pa ito nakitang naging malungkot. Nakikita ko siya araw araw ay palagi itong nakangiti, tumatawa at laging nakikipagbiruan. Parang wala siyang kaproble-problema.
BINABASA MO ANG
Love and Hate Collide
Genç KurguLOVE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay kinikilig at nagiging masaya ka!nagiging buo ang araw mo at lagi kang nasa good mood HATE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay nag-iinit ang ulo mo na parang gusto mo siyang saktan physic...