Chapter Twenty Eight: Leave~

1.2K 26 0
                                    

Chapter Twenty Eight.

Skyeisha POV

Umiyak ako ng umiyak dahil sa nangyari. Hinayaan ako ni Allen na umiyak sa kanyang sasakyan habang hinahatid ako pauwi sa amin.

I am broken. Yun ang nararamdaman ko. Seeing him crying and begging makes me broken. Alam kong nasasaktan ko siya. Pero gulong gulo ako sa ngayon. Hindi ko alam ang susundin ko. Hindi ko alam kung ano ang mas nanaig.

I didnt mean to slap him pero yun lang ang alam kong gawin para tumigil siya. Maybe i need space to think. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang mga nangyari nuon. Gusto kong pawiin muna ang galit ko bago ko ulit siya harapin.

Hindi ko inalintana ang basang basa kong damit. Hindi ako nilalamig. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay sakit. Why do we need to be this way? Why do we need to be like this?

Nagpasalamat ako kay Allen ng maihatid niya ako sa bahay. Hindi siya nagsalita. Tumango lang ito sa akin at tinignan ang bahay namin.

"Thank you ulit." Sabi ko sabay talikod at pasok sa aming bahay.

Nagulat sina kuya nang makita akong basang basa. Agad akong inabutan ni Kuya Jupiter ng tuwalya. Tinulungan naman ako ni Kuya Cloud na magpunas. Tinitigan ako ni Kuya Neptune. Nag iwas ako ng tingin. Alam kong mugto ang mga mata ko sa pag iyak. Pero hindi sila nagsalita. Hinayaan nila ako.

Iginugol ko ang sumunod na araw sa aking kwarto. Nakahiga lang ako at walang ganang tumayo. Parang hinang hina ako. Walang lakas para bumangon.

Pagdating ng hapon ay kinatok ako ni Kuya Cloud. Kami lang ang nandito sa bahay dahil may trabaho si Daddy at Kuya Jupiter. Si Kuya Neptune naman ay umuwi sa bahay nila.

"Charene is here.." ani Kuya ng nakadungaw sa pintuan ko.

Tinignan ko lang siya at tsaka tamad na umupo sa kama. Nilakihan nito ang awang ng aking pintuan at pumasok si Charene. Nag iwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin.

Ilang araw akong hindi pumasok sa school. Alam kong nagtataka na ito kaya naman siguro dumalaw.

Iniwan kami ni Kuya. Umupo si Charene sa kama ko at tinitigan ako.

"Long time no see.." anito

Tinignan ko siya. Nakataas ang kanyang kilay na para bang sinasabi nitong sagutin ko ang sinabi nito.

"Care to explain to me what happen to you?" She asked me.

Hindi agad ako nagsalita. Inisip ko kung saan ako magsisimula. Kung yung tungkol ba sa ampom ako, kung sa tungkol sa totoo kong ama, o kaya ay yung tungkol sa amin ni Gemini. But i choose the first one.

"Hindi ako tunay na anak nina Mommy at Daddy, Cha." Pagsisimula ko.

Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata nito. Napatakip ito ng bibig. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tumango ako sa kanya.

"Nalaman ko yun nung nagdinner ako sa bahay nina Gemini." Nanuot sa akin ang gabing iyon."Tinanong ko si Daddy kung anak ba niya talaga ako. Sinabi niya sa akin ang totoo.."

Nanlalaki pa rin ang mga mata nito."Oh my God. Sino ang totoo mong ama?" Tanong nito.

Hindi agad ako nakasagot. Ayaw ko sanang sabihin pero Charene is my bestfriend. Tsaka kailangan ko ding may mapagsabihan. Oo, nasabi ko kay Allen ito pero hindi buo. Hindi yun nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon