Chapter Sixteen.
Skyeisha POV
Kinabukasan ay masakit ang ulo kong pumasok sa school! Tanginang insomnia! Hindi na naman ako pinatulog. Sabog na sabog ako! Pakiramdam ko nga ay umuusok yung ilong at tenga ko eh..Isama mo pa ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata! Jusko.. gusto ko ng umuwi at matulog pero hindi pwede dahil may quiz kami sa dalawang subjects ko ngayong araw.. kabanas!
Pumasok na ako sa aming classroom at nakita kong andun na din si Charene. Agad akong lumapit at naupo sa tabi niya. Agad akong sumubsob sa upuan ko at ipinikit ko ang aking mga mata. Masakit talaga ang ulo ko at pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Kung wala lang talaga kaming quiz ngayon! Naku!
"Skyei anjan na si mam." Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Charene.
Dumating na ang teacher namin at nagsisimula na rin itong magtawag para sa attendance.. pagkatapos nun ay nagsimula na kaming magquiz.
Natapos ang dalawa kong klase. Masakit pa rin ang ulo ko at pakiramdam ko nga ay mas lumalala ito. Wala na kaming quiz sa susunod na subject kaya okay lang ang umabsent..
"Cha, pakisabi na lang kay mam umuwi na ako ah. Ang sakit talaga ng ulo ko eh.." sabi ko kay Charene habang inaayos ang mga gamit ko.
"Sige.." simpleng sabi nito.
Napansin ko ang pananahimik niya. Magsasalita lang siya sa tuwing kakausapin ko siya. Hindi ko yun pinuna kanina. Pero habang tumatagal ay hindi ko naiwasang magtaka! Pero peste! Ang sakit ng ulo ko kaya hindi naman ako makapagtanong. Hinayaan ko na lang siya. Tutal magsasabi din naman yun pag hindi na niya kaya.
Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong humilata sa kama ko. Di na ako nag abalang magbihis basta nahiga na lang ako.
Pagkagising ko ay umaga na pala. Mag aalas sais na ng umaga. Hindi na ako nakapagdinner kaya ngayon ay ramdam na ramdam ko ang gutom.
Naligo muna ako bago bumaba ng kwarto. At sakto! Nakaluto na si manang ng almusal! Agad akong naupo at sinunggaban ang pagkain. Nagutom ako. Pesteng sakit ng ulo kasi! Buti na lang at wala na ngayon! Ikaw ba naman ang matulog ng mahaba diba?
Pagkatapos kong mag almusal ay umakyat ulit ako sa kwarto ko para maghanda papuntang school. Its friday kaya isa lang ang subject ko which is mathematics.. at buti na lang wala si Gemini na itututor ko ngayon..
Speaking of Gemini. Kamusta na kaya yun? Nakakaboring din pala ang buhay ko pag wala ang tukmol na nangungulit sa akin. Wala akong makaasaran.
Tinignan ko ang cellphone ko nung tumunog iyon. May unknown number na nagtext sa akin. Binasa ko ang nakalagay sa text.. it says.,
'Hi baby, gudmorning..how's your sleep? I hope its fine. Me? I can't sleep because your always running in my mind.. can you run in my heart too? +_+* '
Ang korni talaga ng lalaking to! Tsk! Umagang umaga nakahithit ng shabu!
Mabilis akong nagreply ng 'ang baduy mo! Pakamatay ka na!'
Pagkatapos kong masend iyon ay inilagay ko na sa bag ko ang celfon ko. Hindi ko na titignan kong may reply man ang mokong..
Pagkapasok ko sa classroom namin ay agad kong nakita si Charene. Katulad kahapon ay mas maaga din itong pumasok.
BINABASA MO ANG
Love and Hate Collide
Teen FictionLOVE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay kinikilig at nagiging masaya ka!nagiging buo ang araw mo at lagi kang nasa good mood HATE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay nag-iinit ang ulo mo na parang gusto mo siyang saktan physic...