Chapter Eighteen: feelings~

1.2K 24 0
                                    

Chapter Eighteen..

Skyeisha POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nangyari. Naramdaman ko na lang ang hiya nung naihatid na niya ako dito sa bahay. Maski ang sarili ko ay nanliliit sa nangyari.

Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun. Kung bakit ko siya hinalikan pabalik. Yes, i did enjoy that kiss. Ang sarap naman kasing humalik ng lalaking yun. Nakakainis. Hiyang hiya tuloy ako.

Kaya naman kinabukasan ay ganun na lang pagtahip ng kaba sa dibdib ko. Baka mamaya sumulpot na lang bigla ang Gemini na yun! Asar na asar pa naman ako dun kapag nakikita kong nakangisi siya. Bwisit na bwisit ako kapag nagsimula na itong inisin ako. Kaya nga minsan ay dinadaan ko na lang sa pagiging brutal ko ang pagkainis ko sa kanya. Nang sa ganun ay masaktan ko siya physically, nakaganti ako kahit papano.

Pero halos lumagpas na ako sa classroom ko nang hindi nakikita si Gemini.

Nakahinga ako ng mabuti.

Ngiting ngiti pa akong pumasok sa classroom namin nang biglang mapawi ang ngiti ko. Unti unti iyong napalitan ng malungkot na ngiti..

Umupo ako sa upuan ko. Napatingin ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ko at tsaka napatingin kay Charene na nasa pinakabandang likod nakaupo. Nakayuko ito at nagsusulat sa binder nito.

Nagbuntong hininga ako ng malalim.

Hindi pa rin kami okay. Gusto kong humingi sa kanya ng sorry. Sorry dahil hindi ko sinabi sa kanya na alam ko ang tungkol kay Jake. Alam kong tama din yung ginawa ko. I have fault but i know, my decision was right too.

Nakikita ko nuon na masayang masaya siya kapag kasama niya si Jake. Despite all the things that Rushmore's said. Mas nanaig pa rin sa akin yung takot ko na baka hindi ako paniwalaan ni Charene. I got scared by the thought that she might not believe what i'm saying. Kaya mas mabuti nang hindi ko na lang sinabi.

Ayokong ganito kami. She is my bestfriend ever since elementary. Ayokong nag aaway kami dahil lang sa may pagkakamali kaming ginawa. I understand her. She's hurting so bad, right now. Kailangan ko siyang intindihin. Alam kong babalik din kami sa dati. Time heal all wounds.


Hindi ko namalayang natapos ang klase namin dahil sa paglalayag ng aking isip. Maingay na nagsilabasan ang mga kaklase ko. Tinignan ko si Charene na nagmamadaling lumabas ng classroom. Sa pintuan ay nakangiti itong sinalubong ni Rushmore. Nakita ko ang pag abot ni Rushmore dito ng isang bungkos ng rosas.

Napangiti ako.

In life, there's someone who left you and there is someone who stay with you. Dalawang taong parehas na dadaan sa buhay mo. But there is only one person who stays with you in the end.

Nakita ko ang pagsulyap ni Rushmore sa akin bago niya binalingan si Charene at may sinabi. Lumingon ng konti sa akin si Charene pero agad ding nag iwas ng tingin. But then, i still saw her sadness in her eyes.

Tumingin ulit si Rushmore at nginitian ako. I smiled back and wave my hand to them at tsaka sila umalis.

Tahimik kong inayos ang mga gamit ko. I'm alone now at hindi ko alam kung san ako tatambay. Sanay naman ako na mag isa sa tuwing maagang umuuwi si Charene pero ngayon, ramdam ko ang lungkot ng pagiging mag isa.

Nagbuntong hininga ulit ako at lumabas na ng classroom. Tatambay na lang ako sa library o kaya sa pavillion. Pero nagugutom ako kaya sa cafeteria muna ako.

Tatahakin ko na sana ang daan patungo sa cafeteria nang bigla akong matigilan.


I saw Gemini smiling widely while talking to a girl. Nag uusap sila habang nagtatawanan. They seem so close to each other. Para bang nakikita ko sa kanilang dalawa ang masayang relasyon.

Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon