Chapter Twenty Seven: Expel~

1.2K 23 0
                                    

Chapter Twenty Seven


Gemini POV


Basang basa ako sa ulan habang tinatanaw silang papaalis. Ni hindi man lang ako nilingon ni Skyei.


Umiling ako at pinalis ang luhang dumaloy sa mga mata ko. Hindi dapat ganito. Dapat may gawin ako para sa relasyon namin. Mahal ko siya at hindi ako papayag na maghiwalay kaming dalawa.

Hinabol ko silang dalawa. At nang maabutan ko silang dalawa ay agad kong hinila si Skyei at niyakap.

"Please, Skyei. Wag naman ganito." pagmamakaawa ko sa kanya.

Pumiglas siya sa yakap ko. "Bitawan mo ako, Gemini."


"No, baby." Hinawakan ko ang mukha niya. "Wag mo akong iiwan. Please.. hindi ko kaya."


Nakita ko ang pagpatak ng luha nito. Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ay kita ko pa rin ang pag iyak nito.


"Tumigil ka na, Gemini. Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang sitwasyon? Galit ako sa pamilya mo at galit ako sayo.."


"Wala akong pakialam." Hinawakan ko ang kamay niya."Magalit ka sa akin okay lang. Wag mo lang akong iiwan." Tumulo ang luha ko.

Tinanggal nito ang kamay kong nakahawak sa kanyang kamay. Umiling ito sa akin at tinalikuran ako para sumama kay Allen.

"Skyei.." tinawag ko siya pero hindi siya lumingon.


"Skyei Lets talk." Akmang hihilahin ko siya ng harangin ako ni Allen.

"Hayaan mo na siya."

"Pwede ba!" Sinigawan ko siya at tinulak."Wag kang makialam dito. Labas ka dito! Sa aming dalawa lang to! Hindi ka kasali kaya wag kang magmarunong!" Galit na galit ako sa kanya dahil humaharang siya. Nadagdagan lang ang galit ko ng makita ko silang magkayakap kanina. Ganun na ba talaga kaclose ang mga ito para magyakapan na.


"Sinabi na niyang hayaan mo na siya. Bat hindi mo siya pagbigyan? Respect her dicision."

Sinuntok ko siya. Sa sobrang galit ko ay sinuntok ko siya sa mukha. Masyadong mapagmarunong,

"Stay out of this kung ayaw mong mabura yung mukha mo." Sabi ko at hinabol ulit si Skyei.


Nakita kong papalapit na ito sa sasakyan ni Allen. Mabilis akong tumakbo at hinila siya at pinaharap sa akin. I cupped his face and kissed her. I kiss her under the rain. Pero sa kabila ng halik na iyon ay siya ring pagdapo ng mga kamay niya sa mukha ko.

Nanghina ako sa kanyang sampal. At mas lalong tumulo ang aking mga luha.


"Tigilan mo na ako, Gemini! Tigilan mo na ako! Please lang tumigil ka na!" Sigaw nito sa akin, umiiyak.

."No baby." Umiling ako. "What do you want me to do? Ha? Sabihin mo, Skyei wag lang tayong magkaganito." Pagmamakaawa ko. "Wag mo lang akong iiwan.. gagawin ko lahat ng gusto mo. Wag lang yung ganito." Pumikit ako. Mas lalong dumaloy ang aking mga luha.

Naririnig ko ang kanyang paghikbi. Iminulat ko ang aking mga mata at hinayaang umagos ang aking luha.


"Stay away from me, Gemini. That's what i want."



Sobra sobrang panghihina ang naramdaman ko. Alam ko na galit siya pero hindi naming kailangang magkaganito diba? Mahal naman niya ako pero bakit hindi niya makita iyon? Dahil ba mas nanaig na ang galit niya kesa sa pagmamahal niya.


Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon