Chapter Twenty Five: Past case~

1.2K 24 1
                                    

Chapter Twenty Five

Gemini POV

I'm worried about Skyei. Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi ni lolo o ano. Pero nag aalala pa rin ako dahil nakikita ko siyang umiiyak.

"I didnt know na si Maris pala ang kinilala niyang ina.." ani lolo habang nakatingin sa akin. Kakauwi lang ni Skyei at tahimik ang pamilya ko sa nangyari.

Hindi ako nagsalita. Kinalikot ko ang aking cellphone, naghihintay ng kanyang tawag.

Gusto ko siyang puntahan at samahan sa bahay nila. Pero alam kong may mga issue silang kailangang ayusin. Ayoko namang makagulo duon.

Magdamag kong hinintay ang tawag niya sa gabing iyon. Puyat na puyat ako. Halos hindi ako nakatulog. Pero kahit ni isang tawag ay wala man lang dumating.

Nag aalala na ako masyado. Kaya naman ako na mismo ang tumawag sa kanya kinabukasan. Pero ilang beses na akong tawag ay hindi niya iyon sinasagot.

"Please baby, answer the phone.." Sabi ko habang nasa tenga ang iphone ko. Nagriring iyon pero naputol, kinancel nito ang tawag ko.

Tumayo ako at nag ayos ng sarili. Pupuntahan ko siya. I'm worried. Kailangan ko siyang makita at makausap. Baka umiiyak yun ngayon. Kailangan ko siyang samahan. Pero bago pa ako lumabas sa kwarto ko ay tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Skyei.

Skyei:

I'm sorry if i cancelled your call. I'm fine, baby. Hindi ko lang kaya ang makipag usap at makipagkita sayo ngayon. I hope you'll understand. Dont worry about me, I'm okay. Hindi ko pa matanggap ang lahat pero sooner alam kong matatanggap ko din ito. Wag ka munang pumunta dito sa bahay, okay? Wag kang mag alala. I will see you soon.. I love you.

Fuck! So totoong hindi siya tunay na anak? Totoo yung mga sinabi ni lolo?

Agad agad kong dinial ang numero niya pero out of coverage area na ito.

Damn! She have a problem and she needs me by her side. Paano na lang niya tinatanggap ito? Paniguradong umiiyak ito ng husto ngayon.

Instead of calling her again, i dialled Cloud's number. Nakailang ring muna iyon bago nito sinagot..

"Hey bro.."Dinig ko ang kaseryosohan sa boses nito.

"Bro, how's Skyei? Umiiyak ba siya?Where is she?" Agad ko nang tanong..

Narinig ko ang buntong hininga nito sa kabilang linya.

"She's in her room. She's crying. At hindi siya lumalabas.." sagot nito.

"Is she okay? Nag aalala ako." I said. "Pwede ba akong pumunta diyan?" Tanong ko.

"No." Agap nito,"Alam kong ayaw niyang pumunta ka dito. Hayaan muna natin siya. I'm sure magpapakita din sa'yo iyon."

Napagbuntong hininga ako sa sinabi ni Cloud. Yeah right! Hayaan ko na lang siya habang umiiyak siya nang sobra sobra! Damn! Kahit gustuhin kong patahanin siya ngayon ay alam kong hindi din naman nun mapapagaan ang loob niya,

Kaya naghintay ako. I waited for her text and calls pero walang dumating. Kahit nang naglunes na ay hindi rin siya nagpakita. I understand her. Alaw kong hindi pa niya matanggap ang lahat but fuck! Kahit anong estado ng buhay niya ngayon ay tatanggapin ko pa rin siya. Please baby, showed up. I'll stay by your side and never leave you...

"Nag away kayo ni Skyei?" Bulong ni  Krypton sa akin habang nasa cafeteria kami. Maingay ang mga barkada ko sa mesa. Hindi ako sumasali sa mga tawanan nila dahil busy ako kakatingin sa cellphone ko. Nagbabakasakali na nagtext si Skyei.

Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon