Epilogue
Skyeisha POV
"Magpalit ka na bakla, ano ka ba?"
Sumimangot ako at nahiga sa aking kama. Hawak ko ang aking cellphone at tinitigan iyon.
"Hindi na lang din ako punta." Sabi ko kay Charene na busy'ng busy sa pag aayos ng gamit.
Tinignan niya ako ng masama."Ang kj mo. Porket hindi pupunta si Gemini, hindi ka na rin pupunta? Wag ka nga!" Umirap pa ito.
Naiinis na napakamot ako sa ulo."Yun na nga eh! Hindi pupunta ang bwisit na yun dahil may pupuntahan daw sila ng pamilya niya. Anong gagawin ko dun? Panuorin ang sweetness niyo ni Rushmore ganun?" Umirap din ako sabay bato sa cellphone kong natigang na dahil wala man lang text ang lalaking yun.
Nabwibwisit ako! Valentines ball ng school namin mamaya. Excited na excited itong si Charene habang ako nandito nagmamaktol dahil hindi makakapunta ang boyfriend kong hunghang.
Naiintindihan ko naman na may pupuntahan sila ng pamilya niya pero tangna! Sinong magiging partner ko? Alangan namang pupunta ako ng mag isa? Ano yun? Ms. Lonely ako ganun?
"Kasama mo naman si Krypton diba? Siya ang magiging date mo. Hindi ka maboboring dun." Ani Charene.
Bumuntong hininga ako at bumangon sa aking kama.
"Nakakainis! Valentines na valentines iniwan niya ako sa ere! Paano pa kaya pag anniversary na namin? Masusuntok ko talaga ang lalaking yun." Gigil na sabi ko.
Tumawa si Charene."Ikaw ah. Ayaw mo nang mahiwalay kay Gemini. Iba na yan bakla.." panunukso pa nito.
Umirap ako sa kanya."Subukan mong humiwalay kay Rushmore. Tignan ko lang kung di ka mamatay diyan."
Tumawa lang siya sa sinabi ko at nanunukso pa rin akong tinignan. Inirapan ko ulit siya.
Bwisit na bwisit pa rin talaga ako. Hindi na nga siya pupunta wala pa siyang text. Anong klaseng lalaki yun? Nakalimutan na niya ako. Ayoko na! Binabalewala na niya ako. Hindi ko matanggap. Walangyang lalaki. Makikita mo, hindi kita papansining hayop ka!
Napatalon ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Agad akong nagdive sa aking kama at kinuha ang aking mahiwagang cellphone. Kumikinang kinang pa ang hello kitty niyang jelly case.
Nagpout ako ng makita kong si Gemini ang tumatawag. Tumawag ka pa! Walanya ka! Jan ka na! Sinagot ko ang tawag.
"Wag mo akong matawag tawagan ah. Busy ako." agad kong sabi at pinatay na ang tawag.
Nakita kong umiling si Charene sa akin. Hinintay ko pa kung tatawag ulit si Gemini pero wala! As in! Mas lalo lang akong nainis. Humanda ka sa kin.
Pinagpapalo ko ang malaking teddy bear na regalo ni Gemini sa akin nung first monthsarry namin. Sa sobrang inis ko. Tinorture ko si Yammie. Yan ang pangalan ng bear, wag kang makialam.
At nang mapagod ako ay humiga ako. Pero agad din akong napabangon at agad agad inayos ang gamit ko. Kinuha ko ang gown ko at hinila si Charene palabas ng aking kwarto.
"Sa salon tayo magpapaayos. Walangyang lalaki yan! Talagang denedma na ako. Makikita niya. Sisiguraduhin kong maglalaway ang mga lalaki sa ganda ko ngayong gabi at manghihinayang siya dahil hindi niya yun makikita." Pagtatalak ko na tinatawanan lang ni Charene. Panay tawa ang bruha. Palibhasa partner sila ni Rushmore.
Sinabi ko sa bading na mag aayos sa akin ang gusto kong gawin niya sa buhok ko. Nakabun iyon na medyo magulo. Sa magkabilang gilid ay may itinira siyang konting buhok at kinurl niya iyon. Nilagyan niya din ng pearl headband.
BINABASA MO ANG
Love and Hate Collide
Teen FictionLOVE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay kinikilig at nagiging masaya ka!nagiging buo ang araw mo at lagi kang nasa good mood HATE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay nag-iinit ang ulo mo na parang gusto mo siyang saktan physic...