Chapter Twenty Nine
Skyeisha POV
Sunod sunod na tumulo ang luha ko ng makaalis siya. Minulat ko ang aking mga mata at bumangon sa kama. Narinig ko lahat ng sinabi niya. Nagpanggap lang akong tulog dahil ayaw ko pa siyang makausap. But when he leave my room. Duon ko napagtanto kung gaano ko rin siya namiss.
Bumangon ako sa kama at nagtungo sa aking bintana. Nakita kong kinausap muna siya ni daddy bago sumakay sa kanyang sasakyan. Nakaramdam ako ng pagsisi. Bumigat ang aking dibdib ng makita ko na siyang papalayo. Pakiramdam ko sa paglayo niyang iyon ay hindi na siya babalik sa akin.
Masyado na ba akong naging malupit sa kanya? Tama bang mas pinairal ko ang aking galit kesa sa pagmamahal ko sa kanya? Kahit na alam kong mas nanaig na ang pagmamahal ko sa kanya ay mas pinili ko pa ring magalit. Is it the right choice to make? Kasi pakiramdam ko ay maling mali ako.
"Umuwi na siya.."
Hindi ako lumingon kay Daddy na nagsalita. Nakatingin pa rin ako sa bintana habang patuloy ang aking pagluha.
Alam ko, mali ako. Na itinaboy ko siya kahit gustong gusto ko na siyang lapitan at yakapin. But i stopped myself for what i'm thingking. Mas pinairal ko ang galit.
I didnt mean to hurt him. Pero alam kong kasalanan ko kung bakit ito nasasaktan. Now that he choose to go and leave me. Bakit hindi ko matanggap? Bakit mas masakit ito?
"Bakit hindi mo siya kinausap?" Tanong ni daddy. "Pareho niyo lang pinahihirapan ang sarili niyo.."
Humarap ako kay dad. Nakita ko ang pag aalala sa mga mata nito ng makita ang mga luha ko. Nilapitan niya ako at niyakap. Humagulhol ako sa kanyang balikat.
"He loves you. Nakikita kong ginagawa niya ang lahat para magkaayos kayo." Hinaplos ni daddy ang buhok ko. "Nasaan na ang pagmamahal mo sa kanya, Skyei? Yung mga ngiti mong siya ang dahilan? Yung kasiyahan mo pag kasama mo siya? Nasaan na ang ipinagmalaki mo sa aming pagmamahal mo sa kanya?"
Humikbi ako. Nagsunod sunod ang buhos ng aking luha. Hindi ako magkapagsalita dahil sa sikip ng dibdib ko.
"Wag kang matakot, anak. Ang mga nangyari nuon ay hindi na maibabalik pa. Kung nabubuhay man ang papa mo, alam kong isa siya sa magiging masaya pag nakita ka niyang masaya kay Gemini.." ani daddy.."Kaya siguro nangyari iyon ay para pagtagpuin kayong dalawa ng tadhana... na ikaw na anak ni Teofilo Meneses at si Gemini na kapatid ni Geminiah Serrano. The two of you was destined to each other para maayos ang lahat. Wag mong sayangin iyon, Skyei."
Humiwalay ako kay Daddy at tinignan siya sa mga mata. Ngumiti ito sa akin at pinalis ang mga luha ko.
Buong gabi akong hindi nakatulog. Inisip ko kung anong dapat kong gawin. Pupuntahan ko ba siya bukas sa kanila? Kakausapin ko na ba siya? O kaya naman ay pipigilan ko ba ang kanyang pag alis? Siguro yun ang nararapat na gawin.
Kaya naman kinabukasan ay maaga akong pumunta sa kanila. Nagpahatid ako kay kuya Jupiter.
"I'll wait you here." Ani Kuya nang nasa tapat na kami ng bahay nina Gemini.
Tumango ako at bumaba ng sasakyan. Tiningala ko ang matayog na gate. Lumapit ako duon at agad pinindot ang doorbell. Nakatatlong pindot ako ng doorbell bago nagbukas ang gate. Lumabas duon ang guard.
"Magandang umaga kuya. Nanjan ba si Gemini?" Tanong ko.
Tinitigan ako ni Kuyang Guard. Nang mamukhaan ako nito ay agad itong nagsalita."Naku mam! Kaaalis lang po nila papuntang airport. Ngayon po kasi ang alis ni Senyorito."
BINABASA MO ANG
Love and Hate Collide
Teen FictionLOVE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay kinikilig at nagiging masaya ka!nagiging buo ang araw mo at lagi kang nasa good mood HATE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay nag-iinit ang ulo mo na parang gusto mo siyang saktan physic...