Chapter Twenty Four
Skyeisha POV
"Skyei.."
Tuloy tuloy ako sa paglabas ng gate. Hindi ko pinansin ang tawag sa akin ni Gemini.
"Skyei.."
Hindi ko pa rin siya pinansin. Pinahid ko ang aking luha at nagdiretso pa rin sa gate.
Mabigat ang loob ko. Sa mga nalaman ko ngayon ay hindi ko kayang tanggapin ang mga iyon. Alam kong dapat ay tanungin ko na muna si daddy. Pero yung isiping siguradong sigurado yung lolo ni Gemini sa pagkwekwento kanina ay siyang nakakapagpabigat ng loob ko.
"Mam tawag po kayo ni Sir." Ani Manong guard.
Umiling ako."Manong pakibukas po yung gate. Uuwi na po ako." Sabi ko.
Pero hindi niya yun binuksan. Instead, binalingan niya si Gemini na ngayon ay hinawakan na ang braso ko.
"I'm going home." Sabi ko at tumulo ulit ang mga luha ko. Hindi ko siya tinignan. Nanatili akong nakatalikod sa kanya.
"Okay. C'mon, ihahatid kita." Sabi nito at pilit na pinapaharap ako sa kanya.
"No." Hinawi ko ang kamay niya."Wag mo na akong ihatid. Tawagan mo na lang ako ng taxi. Kaya ko naman, dont worry." Sabi ko at nagpunas ng luha.
"No, Skyei. Ang sabi ko sa daddy mo-"
"Please..." pinutol ko siya sa pagsasalita."I need to go home alone. Please.." tumulo ulit ang luha ko nang hinarap ko siya. Nakita ko duon ang pag aalala, takot, awa at pagpapaumanhin. Umiling ako at nagpunas ng luha.
"Understand the situation. Kailangan kong makausap ang pamilya ko. Alam kong nag aalala ka but im fine. Tatawagan kita pagkauwi ko.." sabi ko sa kanya.
Hindi ako galit sa kanya o kahit sa pamilya niya. Wala silang kasalanan. Oo, may naisiwalat ang lolo nito tungkol sa pagkatao ko pero hindi tama na magalit ako sa kanila. Mas nagagalit ako sa pamilya ko dahil naglihim sila sa akin. Na pinaniwala nila ako na tunay nila akong kadugo. Na iisa lang ang ina'ng pinagalingan namin nina Kuya. Pero gusto kong kausapin muna sina daddy bago ako magbigay ng emosyon.
Pinagbuksan kami ng guard ng gate ayun na rin sa utos ni Gemini. Siya na din ang pumara ng taxi para sa akin. Mabuti na lang at may naligaw na taxi duon sa kanilang village.
"Call me, okay?" Sabi ni Gemini at hinalikan ako sa noo pagkatapos akong pakawalan.
Sa byahe ay bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang totoo? Natatakot ako! Natatakot ako na baka ampon lang talaga ako. All my life, itinuring ko sila bilang isang pamilya. Na kadugo ko sila. Pero bakit ang lupit naman ng tadhana. Yung akala kong masayang pamilya ay mauuwi pala sa ganito. Hindi ko alam kung ano ang mas maganda, ang malaman ang katotohanan o hindi na lang para hindi ako nasasaktan.
Nagpasalamat ako sa taxi driver at lumabas na. Pinagbuksan ako ni Manong guard at binati. Hindi ko na yun pinansin. Mabilis ang lakad ko papasok ng bahay namin..
"Daddy.."
Nakita ko siyang papaakyat ng hagdan namin. Lumingon ito sa aking pagtawag.
"Skyei? Ang aga mo namang umuwi? Hinatid ka ba ni Gemini?" Dere deretsong tanong nito habang bumaba ng hagdan.
"Tell me..." mariin ang pagkakasabi ko sa bawat salita."..anak niyo po ba ako?" Matapang kong tanong.
BINABASA MO ANG
Love and Hate Collide
Teen FictionLOVE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay kinikilig at nagiging masaya ka!nagiging buo ang araw mo at lagi kang nasa good mood HATE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay nag-iinit ang ulo mo na parang gusto mo siyang saktan physic...