Chapter Fifteen:Call~

1.2K 26 0
                                    

Chapter fifteen

Skyeisha's POV


Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko duon si kuya Jupiter na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV.


"Kuya." Nilapitan ko siya at niyakap. Hinalikan niya ako sa cheeks."Tapos na yung kaso?" Tanong ko.



"Yeah." Tumango ito at tinitigan ako. "You look so tired, princess." Nanliit ang mga mata nito.


"Maraming ginawa sa school eh." Sagot ko. Though ang ginawa  ko lang naman ay ang turuan ang Gemini na yun-


Damn! Naalala ko na naman   yung halik niya. Bakit  ganun? Mukhang hindi ko na yata makakalimutan yun ah!  Ughh! Damn that guy.

"Princess?"

Napatigil ako sa pag iisip ng tinawag ako ni kuya.


"Ano yun, kuya? May sinasabi ka?" Tanong ko.


Kumunot ang noo nito. Damn! Bakit ko ba kasi inisip ang halik ng hunghang na yun? Ayan tuloy, hindi ko narinig yung sinabi ni kuya.


"Sabi ko ay umakyat ka na sa kwarto mo, nandun yung pasalubong ko." Sabi nito ng nakakunot pa rin ang noo.


"Ah! Okay." Tumango ako."Thanks kuya." Niyakap ko ulit siya at nginitian.


"Dumeretso ka din pala sa kay Daddy. He's waiting for you,"


Tumango lang ako sa kanya at umakyat na sa taas. Bago pumunta sa kwarto ko ay dumeretso muna ako kay Daddy na malamang ay nasa kwarto nito.


Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Sinilip ko ang loob nun at nakita ko si Daddy na nakaupo sa mini sala ng kanyang kwarto. Ngumiti ako at pumasok. Agad kong nakita ang mga nakalapag na paper bag sa kama nito.


Ngumiti ako ng malaki. Sa tuwing hindi sila umuuwi ng bahay dahil may kaso silang inaasikaso, lagi silang may pasalubong sa akin pag umuuwi sila. Kaya nga ang dami ko nang damit at mga sapatos! Yun kasi kadalasan ang pasalubong nila sa akin.


Agad akong lumapit sa mga pasalubong ko at tinignan ko yun isa isa. Damit at bag.

"Thanks for this Daddy." Ngumisi ako.


Lumapit ito sa akin. "Talagang mas inuna mo  ang mga pasalubong ko sayo bago mo ako batiin ha." Nakangiting sabi nito.


Tumawa ako."Sorry dad! Mas excited ako sa pasalubong mo eh." Pagbibiro ko.

Tumawa din ito at niyakap ako. Niyakap ko din siya. They treat me like a princess. Kaya nga princess din ang tawag nila sa akin eh..


"How's your studies?" Tanong nito.


"It's fine dad. Nakakapagod dahil maraming ginagawa." Sagot ko at kinuha isa isa yung mga paper bag.

"How about your case? Baka nag aaway na naman ulit kayo nung lalaking binugbog mo. Anong parusa ang binigay sayo?"


Nagbuntong hininga ako."Itututor ko siya sa math. Ako lang yung nagdudusa dun Dad! I think that's unfair pero di na din ako nagreklamo. I have fault. Pero di ko talaga matiis na hindi awayin ang lalaking yun. He's immature!" Nagroll pa ako ng eyes habang nagkwekwento kay daddy.


Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon