Chapter Twenty One.
Skyeisha POV
Nagising ako na tahimik ang paligid. Kulay puti rin ang nabungaran ng aking mga mata.
"How's your feeling?" Si Daddy.
Hindi ako nagsalita. Pinakiramdaman ko muna ang aking sarili bago sumagot. "I'm fine, dad."
Natahimik si Daddy. Tinignan ko siya. "What happened? Gemini called me at sinabi niyang dinala ka nila sa ospital dahil nahimatay ka."
Inalala ko ang nangyari. Nawalan ako ng malay. Pero bago yun ay alam ko ang ginawa ko. I became hystirical infront of him. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging reaksyon ko. Ang alam ko lang ay sumakit ang ulo ko. Napapansin kong dumadalas ang pananakit ng ulo ko. Pero kanina ay kakaiba ang sakit. I was hystirical because of the voice i heard. Parang may bumubulong sa akin at tinatawag akong anak. Alam ko at sigurado ako na hindi yun boses ni Daddy. Kaya naman naging ganun ang reaksyon ko.
Unti unti akong bumangon. Tinulungan ako ni Daddy. Nang makabangon ako ay nakita ko duon si Gemini na nakaupo sa sofa. Magulo ang buhok at mukha niya'y nag aalala.
Tinignan ko si Daddy. Gusto kong sabihin sa kanya ang mga naririnig ko pero natatakot ako. Sa tuwing maalala ko yun ay bumibilis ang tibok ng puso ko. I am paranoid? I dont know..
"Labas lang ako. Kausapin ko ang doktor.." sabi ni Daddy at Tinignan si Gemini."Ikaw na muna bahala dito, hijo."
Tumango si Gemini at Tumayo."Sige po."
Lumabas si Daddy sa aking kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Gemini na tahimik lang. Tinignan ko siya. He's wearing a blue tshirt, black pants at itim na converse shoes. May necklace siyang eagle ang pendant.
"Nagugutom ka ba?" Tanong nito nang makalapit sa akin.
Hindi ako nagsalita. Tinignan ko lang siya. Mukha itong pagod. I know he's worried about what happened. Bago ako himatayin ay nakita ko ang worried niyang mukha.
"I'm sorry kanina.."
Umiling ito at nagbuntong hininga. "Just dont stress yourself too much, Skyei." Ngumiti ito.
Ngumiti ako at tumango. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Minsan, gusto kong matawa. I didnt see na magkakasundo kaming dalawa. In fact, we fell for each other. Natatawa ako habang nakikita kong sweet siya at nag aalala sa akin. Natatawa at the same time kinikilig. I even introduced him to my family. And i'm happy na hindi tumutol sila Daddy at Kuya.
Isa at kalahating araw akong nanatili sa ospital. Si Gemini ang nagbantay sa akin. Kahit pinapauwi ko na siya ay nanatili pa rin siya sa tabi ko. Hinayaan siya ni Daddy. Mukhang lawin naman ang titig ni Kuya Jupiter sa kanya at kuya Neptune na dumalaw sa akin. Gemini didnt mind though. Kahit ang tatalim na ng mga mata ng mga kuya ko ay nanatili pa rin ito sa tabi ko.
"Be ready guys.. anytime soon, Our princess will getting married." Tawa ni kuya Cloud.
Agad tumutol duon si kuya Neptune. Pinaringgan niya si Gemini. Hiyang hiya ako. Lalo na nang nakita ko na itong ngumingiwi dahil sa mga sinasabi ni Kuya.
But that didnt affect him. Bumisita ito sa bahay, pangatlo sa araw na di ako pumasok. May dala itong bulaklak at isang basket ng grapes. Oo! Grapes ang dala niya. Sinabi ko kasing gusto kong kumain ng ganun kaya binilhan niya ako.
Tuwang tuwa ako na halos mayakap ko na siya. As usual, mapanuring mga mata ang ibinigay nina Kuya dito. Tanging si Kuya Cloud lang ang nagbubukod tanging bumati dito. Pati si Daddy, syempre.
BINABASA MO ANG
Love and Hate Collide
Teen FictionLOVE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay kinikilig at nagiging masaya ka!nagiging buo ang araw mo at lagi kang nasa good mood HATE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay nag-iinit ang ulo mo na parang gusto mo siyang saktan physic...