Salamat po sa pag-add sa RL mo.. Sana magustuhan mo! Muaa ♥
GEORGINA [ Daryl's Ate ] sa side :)
Chapter Seven ~ I need you
Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Sa isang kwarto.
Hinanap ko agad ang bag ko na nasa tabi lang ng hinihigaan ko. Kinuha ko rin ang phone ko para tignan ang oras.
18:30? Ganun ako katagal na nakatulog?
Napahawak na lang ako sa ulo ko ng biglang makaramdam ako ng sakit at napatingin sa bumukas na pinto.
"Glad you're awake."
"Daryl-- G.D"
Nakasunod pa rin ang tingin ko sa kanya nang lumapit sya sa higaan ko at inilapag sa kama ang dala nyang tray na may mga pagkain.
Tsaka lang ako nakaramdam ng gutom. Kahit na puro gulay ang nakikita kong nakalagay sa tray.
"I hope you're hungry. You slept for almost eight hours."
8 hours? Kaya pala masakit ang ulo ko.. Ano ba ang nangyari? Nasaan ba ako?
"Hey. Mayii?" Naramdaman ko na lang ang paghawak sa mukha ko ni G.D at iniharap sa kanya. "Talk to me. What's wrong?"
Dun ko lang unti-unting naalala ang nangyari..
Naglakad lang ako uli hanggang makasakay ako ng jeep. May humawak din sa braso ko habang patawid ako. Pagpasok ko ng school ng hindi ko alam kung saan ako pupunta, hinarangan ako nila Silicon Singkit. May mga hawak syang litrato at ibinato sa mukha ko. Pero nang hindi ko sya pinansin bigla nya akong sinampal at sinabunutan. Pero walang akong balak lumaban.. Hinayaan ko lang sya. Hanggang sa dumating si G.D at ang 3J. Dinala nila ako Jonathan dito at nagpaiwan si G.D. Pero sumunod din sya kaagad. At ang huli ko nalang naalala, ang kayakap ko sya.
"Miyaka.." Napatingin ako uli kay G.D. Hindi ko alam pero nakita ko sa mukha at mata nya ang pag-aalala. "What's wrong? Please talk to me."
Napalingon ako uli sa paligid. At sa kanya.
"Nasaan ako?"
Then I saw him smiled. "We're still at school. Here at our private floor." Sabi nya.
"Hindi ako naka-attend ng classes."
"It's okay. I had settled something about that."
Matagal na walang nagsalita sa amin kaya napatayo na rin ako, pero naramdaman ko ang kamay ni G.D na humawak sa braso ko.
"Aalis na ako. Salamat sa tulong." Then I forced a smile.
Hindi naman sya sumagot at hinila ako ulit paupo na hindi ko na pinigilan.
"Eat first." Pagkasabi nya nun tumayo sya at naglakad paalis pero nasa loob pa rin. Pagbalik nya meron na syang dalang fresh milk.
"Drink this after. Then your medicine."
"Wala akong gamot." Nagtataka akong napatingin sa kanya.
"Here." Tapos may inilabas syang gamot na nasa box pa. "It can help to regain some iron."
"Why are you doing this?" Hindi ko alam kung paano ko yun nasabi, kaya napayuko na lang ako. Hindi ko sya ineexpect sumagot pero..
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~