SAMSIBYUG [36] ~ Janine ↯

758 6 5
                                    

 Thank you po sa message mo.. Salamat din sa pagbabasa ng Take My Heart pati netoo.. I will update po everytime na matatapos ko agad.. hehe.. Maraming Salamat po! ♥♥

Chapter ThirtySix ~ Janine

JONATHAN'S POV*

"Dude ano bang ginagawa mo? Akala ko ba hindi tayo dapat matandaan na ulit ni Miyaka ba't ka nagpakita?"

Nalaman kasi namin na sinundan pala nya si Miyaka kanina, at hindi lang basta sinundan, kinausap nya pa at hinatid sa bahay nito.

Nandito kami uli sa bar namin, may mga dapat pa kaming pag-usapan..

Napatingin ako kay G.D. Grabe, ngayon lang ako naawa sa kanya ng ganito.

Sino bang tanga ang papayag na makalimutan na sya ng tuluyan ng Fiancee nya wag lang ito masaktan oras na bumalik ang mga alaala nya?

Si G.D lang yata.

"I know.. But I can't.. I have to see her, to talk to her. Baka kung hindi ko gawin yun, mababaliw ako." Sagot naman nya at sinasabunutan ang sarili.

"G.D, we thought na may sundo na sya? Bakit nag-commute sya kanina?" Tanong ni Joseph.

Bigla namang nag-angat ng tingin si G.D at humarap sa amin, "What do you mean?"

"Ang sabi ni Joan may sundo na raw sya starting kanina, pero nung uwian na nag-jeep lang daw sya."

Kahit ako nabigla sa sinabi ni Julius, ano yun, hindi nya naalalang may sundo na sya?

"Anong reaksyon ni Miyaka nung makita ka?" Tanong ko naman kay G.D.

Nakita kong ngumiti sya, ng mapait, "Sya pa rin si Miyaka na una kong nakilala, na hindi ako kilala."

Napayuko na lang ako ng may makita akong tumulo sa mata nya, baka ano pa ang magawa ko at piliting ipaalala na lang kay Miyaka ang lahat.

Wag lang masaktan ng ganto si G.D.

"Sabihin na lang natin sa kanya ang totoo, para hindi ka na mahirapan, G.D."

"Then what?! Sya ang mahihirapan?! No! I better die than to see her crying again!"

Pagkasabi nya nun, tumayo na sya at umalis sa bar.

*Beep* (May nagtext!)

'Lei on sight. Cheosbeonjjae Arena.'

What the hell? Si Lei? Akala ko ba?!

MIYAKA'S POV*

Ang weird ng feeling..

Sa isip ko, hindi ko sya makilala..

Pero sa puso ko, bakit parang biglang ang bilis bilis ng tibok ng puso ko nung makita ko ang lakaking yun? Lalo na nung kausap ko sya at hinatid pa ako kanina dito sa bahay?

Bakit parang.. Kilala sya ng puso ko? May ganun ba?

"Anak.."

Napatayo agad ako sa kama at binuksan ang pinto pagkarinig ko sa boses ni Nanay.

"Heto dinalhan kita ng hapunan, mukhang abala ka pa at hindi ka na nakababa."

Inalalayan ko syang dalhin ang tray sa side table.

"Opo Nanay eh, isang linggo rin akong hindi nakapasok at midterm na next week, kailangan kong maghabol ng lessons."

"O sya, sige maiwan na kita. Ubusin mo ang pagkain mo ha."

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon