MIRA [ Daryl's Cousin ] sa sideee :)
Chapter Nine ~ Still Into You
Mas maaga akong umalis ngayon sa bahay, tatlong araw na mula nung huli kong makita ang D3J. Ibig sabihin, hindi sila pumasok ng tatlong araw.
Siguro kahit papaano, mabuti na yun. Mabuti nang hindi ko sila nakikita para hindi na rin matuloy kung ano mang pagkakaibigan ang meron kami.
Hindi sa ayoko silang maging kaibigan kasi simula nung magkakilala kami, naging kilala na rin ako sa school, "Flirty b.tch" nga ang screen name ko eh..
Palagi rin akong nabubully, at ayoko na lang lumaban, bahala sila sa gusto nilang gawin, mapapagod rin sila.
At isa pa, parang hindi na rin ako masyadong pinapansin o kinakausap ni Joan. Hindi tulad dati, sabay kaming uuwi, maglulunch at magbbreak. Ngayon may mga bago na syang kaibigan. Hindi naman sa ayaw kong magkaroon sya ng ibang kaibigan, kaso nga lang pansin kong parang may something na nagyayari?
Ewan ko. Baka masyado lang akong nag-iisip.
Hanggang sa napadpad na naman ako sa cottoncandy shop ni Ate Mira.
"Hello, Christle. Paaga ka ng paaga ha. Magsi-six pa lang ngayon ah.." Nakangiting bati ni Ate Mira kaya napangiti na lang din ako.
"Excited lang po akong pumasok." Excited ma-bully ng fangirls ng D3J -________-
"Oh bakit ganyan mukha mo? Ang aga-aga nakasimangot ka."
"^__________^ Ah hindi po. Gusto kong lang po kumain ng cottoncandy." Nakangiti ko ng sagot sa kanya.
"Ha? Eh.. Wala pang gawa eh.. Gusto mo hot chocolate na lang muna?"
"Ah.. Sa sunod na lang po, sige po Ate Mira. May gagawin pa pala ako sa school. Una na po ako, salamat."
Umalis naman ako kaagad at pumunta na sa school.
Nagpunta rin ako sa likod ng school, may park kasi na maliit dito, pwede tambayan ng mga studyante. Puro puno at halaman kaya presko, kaso sa damo ka nga lang uupo kaya mas masarap sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~