Chapter Fifteen ~ Manhid ka ba?
Isang linggo na ang nakalipas..
Isang linggo na ang nakalipas nang hindi ako pumapasok..
Isang linggo na ang nakalipas, mula ng makapatay ako.
Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng konsensya ko. Hindi ko akalain magagawa ko yun.. Hindi ko sinasadya.
At hindi ko rin alam ang gagawin ko. Hindi ko na gustong lumabas ng kwarto. Isang linggo na akong hindi kumakain ng maayos, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari.
Hindi ko sinasadya.. Hindi ko sinasadya.. Hindi ko sinasadya..
Ilang beses na rin akong tinatawag ni Kyle at ilang beses ko na ring hindi sinasagot. Ayokong may makausap.. Gusto ko munang mapag-isa.
Ilang beses na ring pumupunta rito si Joan, pero hindi ko sya kayang harapin. Ayokong humarap sa kanya bilang isang mamamatay-tao.
Ganun din si Daryl at sila Jonathan. Hindi ko rin sila hinaharap..
Hanggang ngayon naaalala ko pa rin kung ano ang naging reaksyon ni Daryl sa nakita nyang ginawa ko.
Kung paano sya nagulat. Kung paano sya natakot. Hindi ko makalimutan.
Nasasaktan ako. At kasalanan ko.
Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kahit na kailan..
Muli na naman akong napatingin sa mga kamay ko at umiiyak na tumakbo papasok sa banyo.
Kahit ilang beses kong hugasan ang mga kamay ko, kahit kailan hinding-hindi matatanggal ang kasalanang may buhay na nawala dahil sa mga kamay na to.
Bumalik na lang ako uli sa kwarto at hinang-hinang napaupo sa gilid ng kama ko.
Napapagod na akong umiyak.. Pero hindi maubos-ubos ang luha ko. Pinagsisisihan ko na ang lahat. Hindi ko naman sinasadya.. Hindi ko sinasadya.
Napatingin na lang ako sa celphone kong tumutunog na nasa sahig na.
Napatakip na lang ako ng bibig ng marinig ang boses nya..
'Mayii..'
Pinilit kong pigilan ang paghikbi ko at nagsalita.
"Pwede ko bang makausap si Jonathan?"
JONATHAN'S POV*
Isang linggo na naming hindi nakikita si Miyaka mula nung gabing yun..
Mula nung makapatay sya.
Ilang beses na namin syang pinuntahan sa bahay nila pero kahit minsan hindi sya lumabas sa kwarto nya. Palaging ang katulong lang nila sa bahay ang nakakausap namin.
At isang linggo na rin daw hindi lumalabas ng kwarto nya si Miyaka.
Nag-aalala ako. Lalong-lalo na si G.D.
"Fck. What is wrong with her?! Why won't she talk about no matter what is her problem?! I thought we are her friends?!! FCCCKKK!!"
Palagi na syang nagwawala, kahit ako hindi ko na sya maintindihan. Ngayon lang sya nagkaganyan. Hindi naman namin sya pwedeng pigilan at baka kami pa ang mapagbuntungan.
Hindi ko rin alam kung paano ko sya matutulungan. Gusto man namin syang makausap, hindi nya kami hinaharap.
At walang alam si G.D tungkol sa nangyayari kay Miyaka. Hindi nya pa rin alam na iisa lang si Lei at Miyaka..
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~