SAMSIB-IL [31] ~ Secrets Unrevealed ★

828 10 2
                                    

Chapter ThirtyOne ~ Secrets Unrevealed

"Lei.."

Bigla kong nabitawan ang hawak kong litrato nang marinig kong may tumawag sa akin mula sa likod ko.

Kabado akong humarap sa nagsalita at laking-gulat nang makilala kung sino yun.

"A-Ate M-Mira."

May narinig akong yapak na papalapit kaya wala sa sariling napaupo ako at pinulot ang mga nabasag na salamin mula sa litrato.

"Mayii.. Anong nangyari?" Sandali akong nag-angat ng tingin kay Daryl na papalapit at dahil ko nakita ang pagpulot ko ng basag na salamin, nahiwa ang daliri ko.

"Aww." Agad ko namang dinala ang dumudugo kong daliri sa bibig ko at sinipsip ang dugo nun.

"Miyaka, are you okay?" Narinig kong pag-aalala ni Daryl at hinawakan ang kamay kong may sugat.

Marahan nya rin akong itinayo habang hawak pa rin ang kamay kong patuloy na dumudugo.

"Nagulat ko yata sya, I'm sorry, Christle."

Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa paraan ng ngiti at pagtitig sa akin ni Ate Mira.

Hindi.. Paano nya nalamang ako si Lei?

Nagpaubaya na lang ako kay Daryl nang dalhin nya ako sa kwarto nya, pinaupo nya rin ako sa kama at agad syang pumasok sa banyo at may dala ng first aid kit paglabas nito.

Umupo sya sa tabi ko at dinala ang kamay ko sa hita nya at sinimulang gamutin. Nilinis nya muna ito ng betadine at alcohol tsaka binalutan ng gasa.

"Okay na ba?"

Kahit mahapdi pa, tumango na lang ako para di na sya mag-alala.

Napangiti na lang ako ng dalhin nya ang sugatan kong daliri sa bibig nya at marahan hinalikan yun.

"Ano ba kasi ang nangyari? Hindi ka kasi nag-iingat."

"Sorry." Tangi kong nasabi.

Talaga yatang napakaswerte ko.

Hindi ko lang sya boyfriend ngayon, fiancee ko na rin sya.. Nakakatuwa at nakakakilig lang (*^﹏^*)

Pero di ko pa rin maiwasang mag-isip.. Paano nalaman ni Ate Mira na ako si Lei?

"Ba't ka nakangiti dyan?"

Bigla naman akong napatingin sa kanya at mabilis na umiling, "W-Wala.. Kinikilig lang ako." Sadya kong hininaan ang huli kong sinabi at yumuko.

"Ano yun?" Hinawakan nya ang baba ko at hinarap sa kanya.

Mabilis ko naman syang hinalikan sa labi at tumayo at hawak ang kamay nya, "Tara na. Baka hinahanap na tayo nila Tita." Hinihila ko pa sya patayo pero talagang napakabigat at hindi man lang sya gumalaw.

Bigla nya naman akong hinatak kaya napaupo ako sa hita nya at niyakap ako sa bewang.

"Dito na lang tayo.." Bahagya akong umiwas ng maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa leeg ko at agad na rin akong tumayo at naglakad palapit sa pinto bago pa nya ako maakit ng tuluyan.

"Dito ka lang? Sige, bababa na ako. See you later."

Pagbukas ko ng pinto agad naman syang tumayo at patakbong lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay.

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon