'PROLOGUE ﹋o﹋

3.1K 23 6
                                    

Hello po Ate :)   Salamat sa mga comments! Salamat at nagustuhan mo, kaya para sa.yo ang prologue.. First time ko po kasi na makakita ng sunod-sunod na comment.. Kaya thank you at naapreciate mo ang stories ko ♥ Sana magustuhan mo hanggang dulo :)

~ PROLOGUE ~

"Waaaaaahh!! Sandali san nyo ko dadalhin?!! Waaaaahh!!"

Sigaw ko ng paglabas na paglabas ko sa gate ng school may mga nakaitim na lalaking lumapit sa akin.

May mga nakahawak pa sa braso ko habang mabilis akong dinala at pinasok sa loob ng kadarating lang na itim na van.

"Ano baaah?!! Pababain nyo ko!! Waaaaah!!" Sigaw ko pa din ng nasa loob na ako ng sasakyan at mabilis kaming umalis.

Pinilit kong tumayo at lumaban. Ang nakahawak sa isa kong braso ay kinagat ko ang kamay ng maabot ko sya kaya nakabitaw sya.

Sinuntok ko naman sa mukha ang isa pang nakahawak sa akin kaya nakabitaw rin sya.

Patayo na sana ako at nakahawak na sa pinto ng van pero naramdaman ko na lang na may sumuntok sa sikmura ko at dahil sa sakit, nawalan ako ng malay.

Pagmulat ko ng mga mata ko nakita ko agad ang dalawang lalaki na parehong may parang bonnet sa mukha na naglalaro ng baraha di-kalayuan sa tapat ko.

Inikot ko ang paningin ko pero wala akong ibang makita kundi ang kadiliman maliban na lang sa maliit na ilaw na gamit ng mga kumuha sa akin.

Sinubukan kong gumalaw at dun ko lang nalaman na nakatali ang mga kamay ko sa likuran ng silyang inuupuan ko.

"HOY MGA PANGIT!!" Tawag ko sa kanila.

Napalingon naman sa'kin ang dalawang lalaki.

"Pangit? Sinong pangit?!" Sagot naman nung isa.

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon