Dedicated to HmekoCHI ~ Hey bebe, thank you for your wonderful and touching message.. Sobrang natuwa po ako at meron pa uli naka-appreciate ng story ko.. Sana mabasa mo rin to:) Thank you po ha! :* ♥
Chapter Twelve ~ Friends
Agad kong ipinark ang kotse nya sa tapat ng bahay nila. Bago ako bumaba sibulyapan ko muna sya, napaka-amo ng mukha nya lalo na pag tulog. Kaya hindi ko na naigilang haplusin ang mukha nya.
Iniwan ko muna sya saglit at pumasok sa bahay nila.
'Sana may gising pa..' Bulong ko sa sarili ko.
At lihim akong napangiti ng makita kong nakaupo sa sala si Tita Angela.
"Tita.."
Napatayo naman sya at agad akong nilapitan.
"Kasama mo ba si George?" Bakas sa boses at mukha nito ang pag-aalala. Tumango naman agad ako at sabay na kaming lumabas.
Nagpatulong na rin kami sa iba nilang katulong at driver para buhatin at dalhin si Daryl sa loob ng kwarto nya.
"Anong nangyari sa kanya, Hija?" Tanong ni Tita habang pinupunasan nya si Daryl.
"Muntik na po akong malunod kanina, Tita." Sabi ko habang nakatayo sa tabi ng higaan nya.
"Who saved you?"
"Si Daryl po, Tita."
"Is that true? Hija, hindi sya marunong lumangoy. Takot din sya sa dagat. Kaya nakakagulat na nagawa ka nyang iligtas. Maiwan muna kita, ikukuha ko lang sya ng gamot nya."
Pagkaalis ni Tita agad akong umupo sa tabi ng kama nya. Hinawi ko rin ang buhok na tumabing sa maamo nyang mukha. At hinaplos ang makinis nyang pisngi.
"I'm sorry.. I'm sorry, Da.. Pero hindi ko hihilinging sana hindi mo yun ginawa, dahil baka kung ganun nga, hindi na kita makikita.. Salamat. Salamat." Hinalikan ko rin ang noo nya.
Maya-maya pa dumating na rin si Tita at nay dalang injection.
"Tita? Bakit po may injection?"
"Pampakalma lang to, Hija. Masyadong malaki ang takot nya sa dagat, sa malalalim at sa paglangoy. Para pagising nya maging kalmado na sya."
Napapikit na lang ako ng itinusok na sa may harapan ng siko nya ang injection.
"Paano pala Tita kapag hindi sya naturukan nyan?" Tanong ko ng matapos na sya at nililigpit na ang gamot ni Daryl.
"Isang beses pa lang naman nangyari yun, at ayaw ko ng maulit. Muntik na syang atakihin sa puso sa pagwawala nya, sa sobrang takot nya. Ganun sya matakot, imbes na tumahimik, nagwawala sya."
Bigla naman akong napatingin sa himbing na himbing pa din sa pagtulog na si Daryl.
Daryl.. Yun na nga uli ang itatawag ko sa kanya. Dapat ko pa ba syang layuan at iwasan kung nilabanan nya ang takot nya para lang mailigtas ako?
"Hija habang nagpapahinga si George, pwede ba kitang makausap sandali?"
"Sige po." Sumunod naman ako kay Tita Angela pababa hanggang sa sala.
Umupo na rin ako sa tapat nya. Napansin ko na lang na bigla na lang napaluha si Tita kaya agad ko syang nilapitan at hinagod ang likod nya.
"Tita.." Mahinang tawag ko sa kanya habang hinahaplos pa rin ang likod nya.
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~