ISIBGU [29] ~ Marry Me

800 12 2
                                    

Hey Guys! Try nyo po sana basahin yung isa ko pang story, OUT OF REACH. Maganda po yun! Promise! Hehe :)

Chapter TwentyNine ~ Marry Me

Kahit expected ko nang mangyayari yun, nakakakaba pa rin at nakakaiyak kung marinig ko na mismo sa kanya.

Hindi pa rin ako makapaniwala, oo.. Mahal ko sya. Pero parang napakabilis lang ng mga pangyayari.

Kakaayos lang naming dalawa..

Marami pa kaming pwedeng pagdaanan..

Kailangan bang kasal na agad?

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatitig sa nakaluhod na si Daryl habang walang humpay ang pagpunas ko sa mga luha ko.

Bakas na sa mukha nya ang lalong kaba at pagkabahala kaya narinig ko uli ang boses nya na parang anytime iiyak na sya.

"Miyaka. Will you marry me?"

Napalingon ako sa paligid pagkarinig ko sa tanong nya.

Sa tanong na magpapabago sa buhay ko sa kung anuman ang isasagot ko.

Lahat ng bisita nakatingin na sa amin at hinihintay ang isasagot ko.

Napatingin din ako kay Daddy na bakas na rin sa kanya ang pagkabahala at hindi pa ako makasagot agad.

Pero..

Talagang di ko pa alam ang isasagot ko.

Naguguluhan ako. Natatakot.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para tumakbo palayo, palayo kay Daryl at sa mga bisita.

"Mayii!"

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ng marinig ang pagtawag nya habang walang tigil din ako sa pagpunas sa mga luha ko.

Hindi ko alam. Talagang naguguluhan ako.

Mahal ko sya.. Pero bakit parang.. Hindi pa talaga ako handa?

Huminto na ako sa pagtakbo ng makaramdam na ako ng pagod.

Nasa resort pa rin ako pero nasa mas madilim na akong lugar kahit na may kaunti pa ring liwanag akong nakikita.

Naglakad pa ako palapit sa dalampasigan at umupo sa tabi ng malaking bato.

Tama bang tumakbo ako at iwan si Daryl doon na nakaluhod pa sa gitna ng bisita.

Sinira ko ang gabing to. Sinira ko ang birthday ko.

Pero masisisi nyo ba ko? Nabigla ako..

Hindi ko kailanman inakala na magpakasal agad, lalo na at bago pa nga lang kami ni Daryl.

Marami pa kaming pwedeng pagdaanan bilang mag-boyfriends muna. Hindi pa bilang mag-asawa..

At baka kung pumayag ako, baka mas lalo lang kaming masaktan in the future.

Pareho pa kaming walang alam, at baka pareho pa kaming hindi handa..

"Nabibigla lang sya.. Oo,nabibigla lang sya.." Bulong ko sa sarili ko at ipinatong ang ulo ko sa tuhod ko.

"Hindi ako nabibigla, Mayii."

Halos mapatalon ako sa gulat at biglang napatayo ng marinig ko ang boses nya at humarap sa kanya.

Gustong matunaw ng puso ko ng makita ko ang ekspresyon ng mukha nya.

Sakit.

And its like on cue, pumatak ang mga luha ko at patakbong lumapit sa kanya at mahigpit na yumakap sa bewang nya at sumubsob sa dibdib nya.

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon