3J >>>>>>>>>>>>> ♥
Dedicated po sa kanya @wildbear12, sya po ang unang nagvote. Thank you po. Sana nagustuhan mo <3
Chapter Three ~ Hate to see your heartbreak
"Good Morning po, Nanay. Umalis na po ba si Daddy?" Tanong ko kay Nanay.
Katatapos ko lang mag.ayos para papuntang school. Maaga pa naman, 6:00 pa lang pero gusto kong pumasok ng maaga kasi marami pa akong notes na kokopyahin sa isa kong classmate.
"Hindi pa. Nandun pa rin sa library nya."
"May kape na po ba sya?"
Napatingin naman sa akin si Nanay na parang nag-aalinlangang tumango. Kaya napangiti na lang ako, ng mapait.
"Magpapaalam lang po ako kay Dad."
Lumabas na ako s kusina at umakyat sa library ni Daddy.
Kakatok na sana ako ng makita kong bukas ang pinto kaya dahan-dahan akong sumilip.
Na pinagsisisihan ko..
Nakita ko si Daddy, umiiyak, na naman.. Habang may hawak syang picture frame na sa tingin ko ay litrato ni Mommy. At papel na nakikita kong lagi nyang binabasa.
Maniniwala ba kayo kung sabihin kong ni minsan hindi ko pa nakikita ang picture ni Mommy? Well, oo.. Ni minsan hindi rin nababanggit sa akin ni Daddy ang kahit anong tungkol kay Mommy.
Bukod dun sa alam kong dahil sa akin kaya wala na si Mommy, na si Nanay Cors ang nagsabi ng palihim at hindi alam ni Daddy.
Hindi ko nga rin alam kung saan nakahimlay ang mga labi ni Mommy, kaya nakakausap ko lang sya kapag nagdarasal ako.
Kaya hindi na lang ako nagpakita kay Dad, kasi alam kong ayaw nya rin naman akong makita.
Bumaba na lang ako ulit at nagpunta sa kusina.
"Nanay, mamamalengke po ba kayo ngayon?"
"Oo anak, may ipapabili ka?"
"Opo Nanay. Pwede po ba kayong bumili ng dark green leafy vegetables? Tsaka saging, orange at mga dried fruits? Tsaka ano rin pala Nay, fresh milk, tapos peas. Yun lang po, Nanay ^_________^"
"May problema po ba, Nay?" Tanong ko kay Nanay kasi nakatitig lang sya sa akin ng parang nagtataka.
"Sigurado ka bang bibilhin ko lahat ng yun? Baka hindi mo na naman kainin."
Napangiti na lang ako kay Nanay. "Kakain ko po lahat yun, Nanay! Mauna na po ako."
Kakain ko talaga lahat yun. Nag-search pa ako kagabi sa internet kung paano ang treatment sa anemia. Tapos yun ang dapat kong kainin at inumin ^________^
Pagdating ko sa school wala pang masyadong students, tatawagan ko rin si Excy kasi sa kanya ko hihiramin yung mga notes na wala pa ako.
"Hello, Excy? Nandito na ako sa school. Nasaan ka na?"
'Miyaka sorry.. Hindi ako makakapasok ngayon eh, nilalagnat kasi ako.' Rinig kong sabi nya sa kabilang linya.
Naglalakad-lakad na ako ngayon, hindi ko pa rin kasi naiikot ang buong school kasi nga kahapon lang ako pumasok.
"Ganun ba.. Sige, pagaling ka ha. Sorry sa distorbo."
'Sorry talaga ha. Bukas na lang kapag okay na ako. Bye.'
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~