SIBSA [14] ~ Killerˋ﹏ˊ

1K 8 0
                                    

Chapter Fourteen ~ Killer

"J-Joan?" Gulat kong sabi ng bigla syang sumulpot sa harapan ko. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ba't parang nagmamadali ka? Kadarating ko lang tapos nakita kitang papunta rito, tinatawag kita pero di mo yata ako naririnig."

Napatingin naman ako sa sasakyan ni Kyle, na ngayon ay wala na. Kaya tumingin na lang ako uli kay Joan.

"Ano kasi.. May pupuntaha ako, bessy.."

"Kailangan bang lumabas uli ni Lei?"

Napakunot naman uli ang noo ko, "H-Hindi." Hindi ko alam pero parang hindi ko masabi sa kanya ang totoo, sa ngayon..

Tsaka ko na lang ikkwento sa kanya kapag may nalaman na ako. Hindi nya pa pwedeng malamang nag-iimbestiga ako tungkol sa nangyari kay Ian.

"Tara bessy. Baka nasa loob pa sila Daryl." Hinawakan ko naman sya sa kamay at giniya papasok uli sa mall.

Pero hinila nya ang kamay nya pabalik sa kanya kaya napatingin ako sa kanya. "Bessy?"

"You mean, they're here? You're with them?" Napalunok na lang ako sa reaksyon nya. Ngayon nya lang ginamit ang tonong yun sa akin.. Galit nga sya.

"Bessy.. W-Wala naman sigurong masama kung makipagkaibigan ako sa kanila, diba? Diba gusto mo rin naman sila noon?" Balik-tanong ko sa kanya.

"Oo, noon yun. Pero ngayon.. Pati ikaw naiimpluwensyahan na nila. Christle, napapahamak ka, nasasaktan.. Hindi ka pa ba nadadala? Muntik ka ng mamatay kanina! Tapos ngayon, hindi ka pumapasok kasi kasama mo sila. Ngayon, sabihin mo sa'kin walang masama?"

"Niligtas nila ako! Bilang pasasalamat ko sa kanila dapat suklian ko rin yung ng kabutihan at pakikipagkaibigan ko sa kanila.."

"Hindi ka nila kailangang iligtas kung hindi ka lumalapit sa kanila!" Napayuko na lang ako ng tuluyan ng tumaas ang boses nya. "Bessy.." Naiiyak na lang ako napatingin sa kanya ng lumambot na uli ang boses nya.

Hinawakan nya rin ang pisngi ko at hinaplos yun. "Masama bang mag-alala ako sa'yo? Simula nung naging malapit ka na sa kanila lagi ka na lang nasasaktan.. Bessy, sabihin mo sa'kin, mali ba ako?"

Umiling naman ako. "Pero bessy, bakit hindi natin subukan? May naisip na kaming paraan, baka sakaling mawala na ang haters ko. Gagawa ako ng fansclub nila, bessy. Para hindi na sila maging snob.. Para magkaroon na sila ng chance para makasama ang apat. Please, bessy.." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Bumuntung-hininga muna sya bago sumagot. "Okay. Pero kapag may nangyari pa uli sa'yo dahil sa kanila, tama na. Lalayo ka na, maliwanag ba?"

Nakangiti naman akong tumango. "Thank you, bessy. I love you."

"Miyaka?"

Sabay naman kaming napalingon ni Joan sa kalalabas lang sa mall na sila Daryl.

"I thought you're leaving." Narinig kong sabi ni Daryl na nakatayo na sa tapat ko.

"C-Cancelled?" Lihim naman akong tumingin kay Jonathan sa likuran nya. "Aalis na kayo?"

"Uhh yeah. We have some important thing to attend to." Sagot naman nya.

Si Joan naman uli ang hinarap ko at hinawakan ang kamay nya.

"Guys, si Joan natatandaan nyo pa?" Tanong ko sa kanila.

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon