Chapter ThirtyFive ~ My Heart Has a Memory
Isang linggo na ang nakalipas mula ng makalabas ako ng ospital pero ngayon pa lang ako uli papasok, pero may driver na ako ngayon.. Ewan, sabi ni Nanay dapat daw may driver na ako. Edi, okay.. Pwede pa rin namang gumala, hehe = ̄ω ̄=
Sabi nila, may mild amnesia daw ako? Selected lang daw o may iba lang akong hindi matandaan, pero parang wala naman..
Kasi kung importante yun edi sana di ko makakalimutan, diba? (^O^)
Ganun pa din eh. Si Daddy laging busy at hindi ko nakikita sa bahay, di pa rin kami bati. Hmmmm.. Yaan na.
Maliban sa, singsing sa daliri ko.. Hindi ko matandaan kung saan ko nakuha to, baka isa yun sa mga hindi ko matandaan. Pero sabi ni Nanay, fashion ring lang daw to na binili ko. Kaya hinayaan ko na lang, ewan ko ba..
Parang natutuwa ako tuwing nakikita ko ang singsing, hindi ko lang alam kung bakit.
Hmmm.. Eto na, malapit na ako sa school. Pakiramdam ko ang tagal kong nawala.. Kamusta na kaya? Paano nga pala to, di ko matandaan ang mga classmates ko? Kasi nga diba, hanggang first week of school na first day ko pa lang daw ang natatandaan ko, kaya hindi na raw kasali dun ang mga classmates ko.
Mabuti na lang at andyan si Joan.. And speaking of her..
"Bessy!" Bumaba agad ako sa sasakyan at sinalubong ang yakap nya.
"Bessy, namiss kita.." Sabi ko.
"Eh araw-araw naman tayong nagkikita, hindi mo lang matandaan. Hahaha.."
Hinila ko na sya papasok sa gate, "Edi ipaalala mo sa'kin, bessy.. Ano ba yung mga nakalimutan kong dapat kong tandaan? Meron ba?"
"Ah eh.. Hindi pwede, bessy eh!"
"Naman to.. Pwede yan! Bakit hindi? Sige naa.." Pangungulit ko pa sa kanya.
Dumadaan na kami sa hallway at napansin kong bawat estudyanteng nadadaanan namin, nginingitian ako.. Edi syempre, smile din ako, ang friendly naman pala nila eh └(^o^)┘
"Eh.. Ang sabi ng duktor wag daw pilitin at kusa yun babalik sa tamang panahon.. Tsaka wala namang masyadong importante dun eh.."
"Eh bessy, itong singsing? Saan to galing? Ba't suot ko?"
"Ah.. Regalo ko sa'yo yan! Maganda ba?"
Regalo? Sabi ni Nanay, binili ko?
Sumunod lang ako sa kanya nang pumasok na kami sa isang room.
Na pamilyar sa akin..
Pinaupo nya ako sa tabi nya, katabi ko rin ang bintana at kita ang labas ng school.
Napatingin ako bigla sa school at parang bigla akong nakakita ng puro usok at parang may tao sa labas ng pinto at halos sirain na ang pinto at pakiramdam ko parang nawawalan na ako ng hininga na hindi naman, kaya pumikit ako ng mariin at naging normal na ulit.
And what was that? Baka guni-guni ko lang..
Natapos na lang ang klase ng ganun pa rin.. Parang kilala ako ng buong school at halos lahat ng estudyante nakangiti sa akin pero di naman ako kinakausap.
Papunta na kami sa canteen yata ng biglang may humarang sa amin ni Joan na isang babae, at eto na naman..
Bigla akong napapikit..
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomansaSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~