Sana po mag COMMENT kayo TT^TT
Chapter TwentyEight ~ 1st Birthday Part 2
DARYL'S POV* (Hope you missed me♡)
"Da, kailangan ko ba talagang isuot to?" Nangingiti na lang ako habang sinusuot sa kanya ang blindfold.
Kanina nya pa kasi ako tinatanong kung saan ko ba raw sya dadalhin, well.. Malalaman natin mamaya.
"Yes baby, sandali lang naman. You don't want to spoil the surprise."
"Alam mo namang ayoko ng parties, Da." Kahit nakatalikod sya sa akin, alam kong nakanguso na naman sya.
And the way she calls my name, even if its only the first syllable, makes my heart beat faster than normal.
Makes me shiver within my whole body whenever I'm with her and she's with me.
I am so thankful na sa kabila ng mga nangyari, heto kami.. Magkasama.
And I will do anything para hindi ko lang sya masaktan ulit.
"Well.. Its exclusive only for your family and friends." Sagot ko at nagsimula nang magmaneho.
Pagdating namin sa resort sa Batangas, tsaka ko lang napansin na nakatulog pala si Miyaka. Sa bintana kasi sya nakaharap, kaya pala biglang tumahimik.
Marahan akong lumabas ng kotse at umikot sa side nya para buksan ang pinto.
Dahan-dahan ko rin syang binuhat at nilabas sa kotse at naglakad na papunta kanila Tito Drew na naghihintay na sa loob.
"What happened to her?" Tanong ni Tito Drew pagkakita nyang buhat ko si Miyaka.
"She is okay, Tito. Nakatulog lang po sya, dadalhin ko po muna sya sa loob."
Ang tinutukoy kong loob ay yung bahay na puro pink na pinagdalhan ko kay Miyaka nung nakaraang araw, at ang resort na to kung saan ko sya niligtas mula sa pagkakalunod.
Ang lugar na to ang naging dahilan para malaman ko kung ano ba talaga sa buhay ko si Miyaka.
Na sya na pala ngayon ang buhay ko.
Na kahit ako nabibilisan pero kahit kailan hindi ko tinanong ang sarili ko, dahil alam ko kung ano talaga sya sa buhay ko.
Kung gaano ko sya kamahal, ay wala na akong ibang papangarapin at gugustuhing makasama habang buhay kundi sya.
Nagpaalam na ako sa kanya at dinala na sa kwarto si Miyaka at inihiga sa kama. Bago ako umalis hinalikan ko muna sya noo at kinumutan.
"I love you. I love you so much."
Lumabas na ako uli sa kwarto at sa bahay at bumalik kay Tito na abala sa mga kaibigan nya.
"Hijo, are you ready for later?"
Napabuntung-hininga ako at ngumiti bago sinagot si Tito, "I am nervous, Tito. But I am thanking you for this chance. I won't promise not to hurt her cause I know I will, but I'll do anything for her to forgive me no matter what."
Napangiti na lang ako uli ng tapikin nya ako sa balikat, "Just love her. That's all she needs."
Tinignan ko lang si Tito nang may kunin syang isang maliit na box at inabot sa akin na kinuha ko naman agad.
"Give this to her."
"Thank you po, Tito."
"George anak!" Napalingon naman ako kay Mommy at sinalubong ang yakap nya.
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~