PAL [8] ~ Something you had that I can never have●︿●

1K 10 3
                                    

Dedicated po kay Ate♥ Salamat sa pagbabasa ng Take My heart, sa mga votes at comment.. Sana mabasa mo rin to♥ Thanks! ♥

DARYL's MOM [ Angela ] sa side.. Remember her? ♥♥

Chapter Eight ~ Something you had that I can never have

Basang-basa kami pareho ni Daryl pagdating namin sa bahay nila, ayoko munang umuwi.. Hindi pa ako handang makita si Daddy, kasi alam kong masasaktan na naman ako.

Almost 10:00 na rin kami dumating sa kanila at sinalubong naman agad kami ng sa tingin ko ay Mommy nya.

"Good evening po." Nakangiti kong bati sa Mommy nya kahit nanginginig na ako sa lamig.

"Bakit kayo basang-basa?Sandali kukuha ko kayo ng twalya."

Paalis na sana ang Mommy ni Daryl ng magsalita sya.

"No need. We'll head upstairs." Tumalikod na sya at umakyat na. Napatingin naman ako sa Mommy nya na bigla na lang lumungkot ang itsura nya.

"Aakyat na po muna ako Tita. Salamat po. Pasensya na po sa abala."

"Ayos lang yun. Sige na, baka mapaano ka pa. Magbihis ka na muna."

"MAYII!!" Napatalon naman ako sa boses ni Daryl kaya nagpaalam na ako uli kay Tita.

"Sige po, Tita---?"

"Angela. Call me Tita Angela."

"Miyaka po. Sige po Tita Angela. Salamat at pasensya na po uli."

Halos takbuhin ko na rin paakyat sa sobrang panginginig ko na. Kaso pag-akyat ko hindi ko malaman kung saan ang kwarto ni Daryl.

"What are you doing?" Gulat naman akong napalingon sa likod ko at napatingin sa nakadungaw sa pintong si Daryl.

Lumapit naman ako agad at pumasok.

Pagkapasok ko may ibinato sya kaagad na twalya at pinunas ko agad sa buhok ko.

"Salamat."

"Take a bath." Tapos tinuro nya yung parang isa pang kwarto na sa tingin ko ay ang C.R.

"W-Wala akong damit?" Alanganin kong sabi sa kanya.

Naglakad naman sya papunta sa malaki nyang wardrobe at nilagay sa kama nya ang mga damit. Puti na jogging pants at white din na parang jacket.

"Maligo ka na. Magpapahanda ako ng pwede nating kainin."

Palabas na sana sya ng tawagin ko uli sya habang nasa tapat na ako ng C.R.

"Daryl.."

Hindi na sya lumingon pero nakahinto naman sya.

"Salamat. At sorry sa abala."

Tumango naman sya at tuluyan ng lumabas at sinara ang pinto.

Halos mag-iisang oras na rin yata ako bago lumabas ng banyo. Tinignan ko muna ang paligid at ng makasigurado akong wala pa si Daryl ay agad akong nagbihis.

Inuna ko na ang jogging pants pero di ko pa naisusuot ang jacket ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Daryl na halatang bagong paligo lang din kaya bigla akong napatalikod at mabilis na isinuot ang jacket.

"S--Sorry." Narinig kong sinabi nya pero di na lang ako sumagot. Pakiramdam ko biglang nag-init ang mukha ko.

"I'll get dressed first." Nakatalikod pa rin ako sa kanya, baka makita ko na naman ang hubad nyang katawan =________=

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon