SIBSAM [13] ~ Fans Clubت

971 9 0
                                    

Chapter Thirteen ~ Fans Club

Hindi nga ako nagkamali.. Paggising ko napakabigat ng ulo ko.

Pero kailangan kong pumasok. Malapit-lapit na rin ang prelims. Ang hirap pa naman umabsent lalo na at may programming kami ngayon.

Kaya kahit nahihirapan akong kumilos, naligo pa rin ako at nagbihis. Bumaba na rin ako pagkatapos kong mag-ayos at pumasok sa kusina.

"Nanay may gamot po ba tayo para sa sakit ng ulo jan?"

May kinuha naman si Nanay sa first aid kit at inabot sa akin. "Eto, Anak."

"Salamat po." Agad ko namang ininom yun at lumabas na ng kusina.

"Hindi ka ba kakain?"

Napalingon naman uli ako kay Nanay. "Wala po akong gana. Sa school na lang po. Nay, si Daddy?" Alangan kong tanong.

"May business trip. Hindi ko lang alam kung gaano sya katagal mawawala." Malamang matagal TT^TT

Pagkakuha ko ng bag ko, lumabas na ako. Pero naisipan kong hindi muna magjeep kaya hinanap ko ang isa pa naming driver, nasa parking naman sya at nililinis ang isa pang kotse.

"Kuya Mar, pwede po bang pahatid sa school?"

"Sige po. Tara na po."

Dahil naka-kotse ako, mas maaga akong nakarating sa school. At nasa tapat na kami ng gate ngayon, pababa na rin ako.

"Salamat po, Kuya Mar. Pasensya na sa abala."

"Ikaw talaga. Sige na, magtext ka na lang kung magpapasundo ka ha."

"Sige po, salamat." Bumaba na rin ako at bigla na lang ako nakaramdam ng hilo.

Nakayuko na lang ako maglakad at hinihilot ang kamay ko. Sa pagitan ng thumb at index finger, pinipisil ko yung pagitan. Effective daw to sabi ni Nanay kapag nahihilo.

Pagkapasok ko sa gate, bakit parang bawat nakakasalubong ko, umiiwas o gumigilid? Haaay. Bahala kayo jan.

Ang sama na talaga ng pakiramdam ko TT^TT

Dumiretso na ako sa classroom, may isang oras pa ako. Pwede pa akong matulog.

Mabuti na lang at wala pang ibang estudyante at dahil maaga pa naman, nilock ko ang mga pinto. Madali kasi akong magising kahit may marinig lang ako na kaluskos. Matutulog lang ako sandali.

Pagkatapos kong mag-lock, umupo na ako sa pwesto ko at yumuko na sa desk ko. Hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog. Zzzzzzzzzz T.T

Nagising na lang ako dahil sa pag-ubo ko, pero wala naman akong ubo kaya bakit ako mauubo? Nahihirapan na rin akong huminga.. Anong nangyayari?

Dahan-dahan akong tumingin sa paligid.. Nasa room pa rin ako. Pero puro usok na ang room. Wala na rin akong ibang makita pero may naririnig akong ingay.. Hindi ko lang alam kung saan..

"MAYII!! MAYII!!"

'Da?..'

Nakayuko pa rin ako sa desk habang nakatakip sa bibig ko ng mapatingin ako sa pinto.

May sumisip at sumusuntok sa pinto.. Hindi ko lang makita kung sino.. Pero kilala ko kung kaninong boses yun.. Napapikit na rin ako. Nawawalan na ako ng hininga..

*BLAAAAGGG!!*

Naramdaman ko na lang na nawala ako sa pagkakaupo, may bumubuhat sa akin.. Hanggang sa tuluyan na akong napadilat, wala na rin akong naamoy na usok.

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon