SA [4] ~ Lei♔

1.1K 16 3
                                    

Dedicated po kay Ate Patricia ♥ Salamat sa pag-add ng Take My Heart at A Gangster Love sa RL mo.. Sana magustuhan mo rin to. Thank you ♥

LEI sa side ♥♥

Chapter Four ~ Lei

Natapos na lang ang quiz at klase namin sa Algebra na parang may kung anong gumugulo pa din sa isip ko. Tingin ko nga hindi ko nasagutan ng maayos yung quiz.

Katabi ko pala si Joan, wala kaming seating arrangement sa Algebra. Nasa likod namin yung apat, 3rd row kami sa kanan sila 4th. Ako yung sa side ng bintana kung saan tanaw ko ang lagoon. Tapos sa likod ko si G.D.

Ayoko na syang tawaging 'Daryl'.

"Hoy bessy. Kanina pa ko daldal ng daldal dito di ka naman pala nakikinig." Gulat naman akong napalingon kay Joan sa kaliwa ko.

"Ano ba yun?" Tanong ko na lang tapos binalik ang tingin sa labas. Nag-aantay lang kami ng sunod na subject. May half hour break pa kasi, nagliligpit na rin ako ng gamit kasi sa kabilang building pa yung next subject namin.

"Di bale na nga. Tara na? Kanina pa nakaalis yung D3J."

Napalingon naman ako sa likuran. Wala na nga sila.

Bakit ganun? Pag naaalala ko yung sinabi nila Jonathan, may kung anong sumasakit sa katawan ko?

Lumabas naman kami ng room tapos naglakad na papuntang kabilang building.

Nung malapit na kami sa room tanaw ko na yung apat na nakatayo at nakasandal sa wall. Naghihintay pa lumabas yung gumagamit ng room na gagamitin namin.

Nagulat na lang ako nung biglang may humarang sa daan namin ni Joan na lalaki na nagkakamot pa ng ulo.

"Kuya, anong kailangan mo? Ba't ka po nakaharang?" Tanong ni Joan sa lalaki na mas matangkad pa sa akin na parang nahihiya?

Hindi nya pinansin si Joan tapos tumingin sya sa akin na parang namumula pa yung mukha nya.

"Ano po yun?" Nakangiti kong tanong sa kanya at namula naman sya lalo. "Okay ka lang ba? Ba't parang namumula ka?" Tapos hinawakan ko sya sa braso at tinignan yung mukha nya, bigla kasing yumuko.

"Pwede ka ba yayain mag-lunch mamaya?" Natulala naman ako nung tumingin sya sa akin uli kaya napatango na lang ako agad.

"Talaga? Yes. Sige aantayin na lang kita mamaya ha." Tuwang-tuwa nyang sabi tapos nagpaalam na syang umalis.

"Ano yun, bessy?" Tanong sa akin ni Joan pagkaalis nung lalaki.

"Nag-aaya mag-lunch?" Kibit-balikat kong tanong.

Tumingin naman ako uli sa D3J at nakasalubong ko ng tingin si G.D, na nakasimangot pa rin. Galit pa rin ba sya? Di ko naman sinasadya TT________TT

Natapos na lang yung klase nang hindi ako nakikinig, wala rin naman akong maintindihan eh. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin..

Lunch na pala namin ngayon at palabas na kami ni Joan ng room.

"Hi!" Napalingon naman ako sa nagsalita na nasa likod namin pagkalabas namin ni Joan. Sya yung kanina.

"Hello. Tara?" Napatingin naman ako kay Joan. "Tara, bessy."

"Ano gagawin mo pa akong chaperone? See you later na lang.Bye." Tapos ayun umalis na sya at iniwan na kaming dalawa.

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon