SASIB [40] ~

384 5 6
                                    

Re-update kse putol.

Chapter Forty ~

Isang buwan na ang nakalipas..

Sa loob ng isang buwan na yun, andami ng nangyari..

Una, si Daddy.. Hindi pa rin sya bumabalik simula nung umalis sya kinabukasan pag gising nya.. Nung umuwi syang lasing at nagsosorry sa'kin na hanggang ngayon di ko pa din maintindihan kung bakit..

Pangalawa, wala pa din akong maalala? Maalalang kakaiba siguro, maliban sa minsan nananaginip ako na hindi ko maintindihan kung totoo kasi parang nasa ibang panahon ako sa mga panaginip ko.

Pangatlo, si Daryl.. Simula nung araw na sinabi ko sa kanya ang totoo kong nararamdaman, hindi ko na uli sya nakita pa.. Na pati sila Jonathan minsan ko na lang makita. Kapag tinatanong ko naman kung nasaan o kamusta si Daryl, hindi nila ako magawang sagutin..

Napabangon ako sa pagkakaupo ko sa kama ko ng makarinig ng pagkatok sa pinto ko. Agad ko namang binuksan ang pinto.

"Anak, linggo ngayon. Magsisimba ka ba?”

Oo nga pala, linggo ngayon..

"Opo, Nay. Sasama po ba kayo?”

"Hindi, Anak. Magpapaalam lang sana akong aalis.”

"Po? Saan po kayo pupunta? Kailan po kayo babalik?”

"Anak, pwede ba tayong bumaba at para makausap kita ng maayos?”

Tumango na lang ako at sumunod kay Nanay Corz pababa sa sala.

"Mukhang importante po ang pag-uusapan natin Nay, ah.”

"Nasabi ko na ito sa Ama mo. Kailangan ko ng umalis dito Anak. Tumatanda na ako. Gusto ko ng magpahinga at bumalik sa probinsya kasama ang iba kong kamag-anak.”

Nakaramdam naman ako ng kalungkutan nung marinig ko ang sinabi nya. Lumaki ako na si Nanay Corz ang nag-aalaga sa kin. Hindi ko alam na hanggang ngayon na lang pala..

"Hindi ko na po kayo pipigilan, Nay. Maraming salamat po sa maraming taon na ginugol nyo sa amin ni Daddy. Hindi ko po kayo makakalimutan.”

Niyakap ko ng mahigpit si Nanay at gumanti tin naman ito ng mas mahigpit na yakap.

"Hinding-hindi ko rin kayo makakalimutan, Anak. Kayo ng Daddy mo. Maraming salamat sa lahat ng naitulong ninyo. Paano hindi na ako magtatagal.”

Tumayo na rin ako pagkatayo ni Nanay.

"Nay. Ihahatid ko na po kayo.”

Napansin ko naman ang pagtataka kay Nanay Corz.

"Hindi na at maabala pa kita pati ang drayber.”

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon