Chapter TwentyFive ~ Let me go
Paglabas ni Daryl sa kwarto hinanda ko na rin ang sarili ko para umalis.
Naghanap din ako ng papel at nagsulat.
'Thank you. I have to go. Sorry.
-Lei'
Tinabi ko ang sulat sa tray ng pagkain na hindi ko naman magalaw.
Dumaan ako sa terrace nya at tumalon pababa. Tumakbo ako sa kung saan di ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa makarating na ako sa tabi ng kalsada na wala pa ring tigil ang pagluha ko.
Ito na lang ang kaya kong gawin ngayon, na kahit papaano mawala ang sakit na nararamdan ko, ang umiyak.
Napaupo na lang ako sa tabi at napatakip sa mukha ko.
Napapagod na ako.. Ano ba ang dapat kong gawin?
Napa-angat na lang ako ng tingin ng may marinig akong bumubusina, at napatayo bigla nang makilala ang paparating na sasakyan at huminto sa tapat ko.
Napako pa rin ako sa kinatatayuan ko ng bumaba na sya at tumakbo palapit at niyakap ako ng mahigpit.
"J-Jonathan.." Napayakap na rin ako sa kanya at napaiyak pa lalo.
"Bumalik tayo." Mabilis akong umiling sa sinabi nya habang yakap ko pa rin sya.
"Please wag. Iuwi mo na ako, please. Gusto ko ng magpahinga." Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa bewang nya at napahagulgol pa uli. "Pagod na pagod na ako, Jonathan.."
"Okay, let's go. Bago pa nya tayo makita."
Akay nya pa rin ako hanggang sa makaupo na ako sa front seat at nagsimula na kaming umandar.
Nakatingin lang ako sa labas habang bumibyahe kami at napapikit..
"Minahal mo ba talaga ako, Daryl? Kasi ako, mahal na mahal kita.."
JONATHAN's POV*
"Minahal mo ba talaga ako, Daryl? Kasi ako, mahal na mahal kita.."
Ako na ang umakyat kanina pabalik sa kwarto ni G.D kung nasaan si Lei, pero agad ding napababa ng malamang wala na sya dun at inabot kay G.D ang sulat na nakita ko.
"Hahanapin ko sya." Sabi ni G.D at nauna nang lumabas.
Lumabas na rin ako dala ang kotse ko para hanapin at ngayon nga natutulog n sya sa loob ng kotse ko.
Alam ko naman kung nasaan ang bahay nya, pareho lang sila ng village ni G.D at ilang beses na rin akong nakapunta nung hindi sya nagpapakita sa amin dati dahil nga sa nangyari noon.
Wala pang isang oras ng dumating kami sa bahay nya, pinarada ko na ang kotse sa tapat ng bahay nila.
Nakita ko namang bumukas ang pinto at lumabas sila Nanay Corazon at may kasama rin syang lalaki na sa tingin ko ay ang daddy ni Miyaka.
"Kasama mo ba si Miyaka?" Bakas sa mukha ng daddy nya ang labis na pag-aalala kaya umikot na ako sa side ni Miyaka at binuksan ang pinto.
Sumunod naman ang daddy nya pati si Nanay at agad na binuhat ng daddy nya palabas si Miyaka.
"What happened to her? Bakit ganto ang suot nya?" Tanong nya habang papasok kami sa bahay nila.
"May party po kasi kaming pinuntahan, Sir. Katatapos lang po kaya nakatulog na po sya sa kotse ko." Pagsisinungaling ko.
Hindi ko naman pupwedeng sabihin na galing kami sa patayan at muntik ng mapatay ang anak nya diba?
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~