ISIB-I [22] ~ Malaya ka na ︶︿︶

866 5 0
                                    

Chapter TwentyTwo ~ Malaya ka na

After dinner, nagbabad ako uli sa bathtub. Yung punung-puno ng bubbles at ang ulo ko lang ang nakalitaw. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok at pumikit.

Naiiyak na naman ako.

Bakit ba kasi ganito? Kabago-bago lang namin ni Daryl may ganto agad.

Hindi ko maiwasang masaktan, napipigilan ba yun? Kasi kung oo, bakit ako? Nasasaktan ako kahit anung pigil ko..

Ayoko sanang pagdudahan kung nasaan man si Daryl nang isang linggo kasi may tiwala naman ako sa kanya, pero bakit hindi nya sabihin sa akin?

Girlfriend nya na ako diba? Sya ba walang tiwala sa akin?

Kasi ako gusto ko syang pagkatiwalaan ng buo at sana hayaan nya ako. Hayaan nya akong pagkatiwalaan ko rin sya.

Dahil naniniwala akong ang pagtitiwala sa isa't isa ang nagpapatibay pa sa isang relasyon.

Kung wala kami nun, paano na?

Sa maikling panahon na nakilala ko si Daryl, alam ko sa sarili kong sya na nga.. Sya na sana ang huling lalaki para sa akin.

Pero paano na lang pala kung hindi kami para sa isa't isa? Handa ba namin labanan ang tadhana?

Handa ba sya?

Bigla na lang akong napamulat ng makarinig ako ng mga kaluskos sa loob ng kwarto. Agad na akong tumayo para magshower at nagtapis ng bathrobe pagkatapos.

Ayoko man mag-assume pero parang kilala ko na kung sino ang nag-iingay sa loob lalo na at hindi ko pa nailolock ang glass door ko mula sa terrace.

Lumabas na ako sa banyo pero parang nakaramdam ako ng lungkot ng malaman kung sino ang nasa loob ng kwarto ko.

"N-Nanay.." Umupo na ako sa gilid ng kama.

"Pumasok na ako, Anak. Dinala ko na ang gamot mo at nakalimutan mong uminom kanina pagtapos kumain. Kumakatok ako kanina pero nasa banyo ka pala."

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon