Salamat po sa comment.. Sana magustuhan mo ♥
Miss J >>>>> Know her? Sssshhhh ..
Chapter Ten ~ Ms. J
"Bessy, mall tayo!"
Kalalabas ko lang sa shower room, sinamahan ako ni Joan kunin ang marumi kon uniform. Ipapa-laundry ko na lang mamaya sa mall. Hindi rin naman ako pwedeng umuwi ng hindi suot yun at ganito ang suot ko. Magtataka na naman sila Nanay kung bakit hindi ako naka-uniform.
Hindi ko naman pwedeng sabihing nabubully ako sa school. Ang tanda-tanda ko na nabubully pa.
"Sige, bessy. Tara. Ipapa-dry clean ko pa kasi tong uniform ko." Sabay taas nung plastic na bitbit ko.
Naglakad na kami palabas ng comfort room. Pero palabas pa lang kami ng gate ng may makita kaming nagkukumpulang mga estudyante sa bandang dulo ng hallway.
Hinila ko naman kaagad si Joan palapit sa kanila ng may makita akong pamilyar na mga mukha.
Sila Jonathan, Julius at Joseph.
Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko ng sa wakas ay nakalagpas ako sa mga taong nagsisiksikan.
Nilapitan ko naman kaagad sila Jonathan at hinila ako braso nya paharap sa akin.
"Bakit hindi nyo sya pigilan?!" Sigaw ko sa kanya. Nakatayo lang sila at nakatingin kay G.D habang may binubugbog na lalaking estudyante na nakahiga na sa sahig at duguan ang mukha.
"We can't!" Malakas nya ring sagot. Naghihiyawan na rin kasi ang ibang estudyante sa bawat sipa at suntok ni G.D sa kawawang lalaki.
"Bakit?! Ang lalaki ng katawan nyo hindi nyo sya mapigilan?!"
"Ayaw naming kami ang mabugbog, Miyaka." Sabi naman ni Julius ng lumapit sa akin.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at lumapit na kanila G.D at sa lalaking walang kalaban-laban.
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~