Chapter ThirtyNine ~
DARYL'S POV*
Siguro marami na sa inyo ang naguguluhan o naaawa sa akin dahil sa mga nangyayari..
Pero wala akong pakialam, kahit na mali pa ang desisyon ko.
Kung kapalit naman nun hindi masasaktan si Miyaka.
Siguro dadating din yung oras na malalaman nya ang totoo, pero sa ngayon..
Wag muna sana syang maka-alala..
*DING.DONG*
Napatayo ako mula sa sofa at binuksan ang pinto.
Pero di ko inaasahan ang nakita ko.
"T-Tito Drew.."
Oo, sya nga. At lumuhod sya pagbukas ko ng pinto.
"T-Tito.. A-Ano pong ginagawa nyo?" Pilit ko syang tinatayo pero di man lang sya natinag at nanatiling nakayuko.
"I'm sorry.. I'n sorry, G.D." Narinig ko ang panginginig ng boses nya kaya pinilit ko uli syang tinayo at sa wakas ay nagpadala na sya.
Inalalayan ko naman syang maupo sa sofa at agad kumuha ng tubig at binigay sa kanya.
"Tito uminom po muna kayo." Kinuha nya naman ang basong may lamang tubig at ininom yun.
"Tito bakit po kayo nandito?" Tanong ko sa kanya pagtapos nyang uminom.
"Kung hindi man ako mapatawad ng anak ko, sana ikaw man lang mapatawad ako."
Naikuyom ko ang kamao at napatingin sa ibang direksyon.
Oo galit ako sa kanya, kung hindi dahil sa kanya hindi sana magkakaganito si Miyaka.
Hindi sana kami magiging ganito.
Pero wala akong karapatan. Kailangan ko lang malaman kung bakit nya ginawa yun kay Miyaka.
"When her mother died, I felt like dying too. Seeing her die in my arms, it also killed me. Ni hindi ko nga alam kung paano pa ako tumagal at nabuhay ng ganito gayong Nichole wasn't with me anymore. But one day when I saw my daughter, I knew the reason.. I should live for our daughter. Kasi alam kong yun ang gusto nya. But as the years passed by, at unti-unting lumalaki si Miyaka, I can see her mother to her."
Napatingin ako kay Tito Drew at pinipigilan ko lang ang sarili kong aluin sya ng magsimula na syang umiyak habang nakayuko pa din.
"Kamukhang kamukha nya na si Nichole simula nung bata pa sya.. Parehong pareho sila, how she talk.. Her voice. Her smile.. How she walk.. Kung paano nya ipitin ang buhok nya sa tainga nya.. How she love to eat ice cream.."
Natigilan ako. Ang alam ko, hindi kumakain ng ice cream si Miyaka.
Cottoncandy ang favorite nya.
"Hindi po sya kumakain ng ice cream, Tito. Cottoncandy ang favorite nya."
"I know.. Its also my fault. Pinipilit ko syang baguhin.. To the point na nasisi ko na sa kanya ang lahat.."
Napatayo ako at tumalikod.
Sht! Anong klaseng ama ang gagawa sa anak nya ng tulad ng ginawa nya kay Miyaka?!
"I am not asking you to understand, but at least you could listen."
Umupo na lang ako uli pero sa harap nya na at napahawak sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~