SAMSIBCHIL [37] ~ Mayii ♥

770 9 8
                                    

Dedicated to @lunatic_dreamer.. Heto na pooo.. Your wish is my command :D Salamat po sa message at pagbabasa.. Salamat at nagustuhan mo! ♥♥

P L E A S E

R E A D

M Y    N O T E

A F T E R   ;D

Chapter ThirtySeven ~ Mayii

"Nag-lunch ka na ba?"

Binaba ko ang binabasang libro at iniangat ang tingin sa nagsalita, kahit na kilala ko na ang boses nya.

"Uhh. Hindi pa eh. Mahaba pa naman ang break kaya mamaya na lang." Nginitian ko na lang sya at binuklat uli ang ang libro at nagbasa.

Pero naiilang pa din ako na nasa tabi ko lang sya kaya hindi ko rin maintindihan ang binabasa ko.

"So okay lang bang dito muna ako? Mainit din kasi sa labas eh."

"O sige. Wala namang nakaupo dyan," Sagot ko naman at halos takpan ko na ang mukha ko ng libro.

Umupo naman sya sa harap ko pero di ko pa rin sya magawang tignan..

Pano ba naman kasi, eto na naman ang puso ko. Ang lakas na naman ng kabog o>_<o~

Baka naman crush ko to noon at di nya alam kaya ganto na lang ako magreact (⊙o⊙)?

Pakiramdam ko natutunaw na ako, kasi naman.. Nakatitig po sya!

Bakit parang kinikilig ako?

Nung sinubukan ko uli syang tignan, nakatingin pa rin sya, pero hindi na sa akin, kundi sa kamay ko.

Particularly, sa daliri ko na may singsing.

"Uhh.. Bakit, Daryl?"

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon