Chapter TwentyThree ~ Lei is his first love
JONATHAN's POV*
"G.D. Tama na yan." Kanina ko pa inaagaw ang beer na iniinom nya na di ko na mabilang kung pang ilan na.
Pagkalabas namin sa school dito na agad sya dumiretso sa bar namin, dito kami pumwesto sa VIP room. At mabuti na lang at sinundan namin sila ni Miyaka kanina.
At rinig namin lahat ng pinag-usapan nilang dalawa.
Alam namin na.. Wala na sila.
Hindi ko man maintindihan ang nararamdaman netong ni G.D, alam kong nasasaktan sya. At naguguluhan..
"Hindi ko maintindihan.. Alam kong mahal ko si Miyaka, pero.. Hinahanap-hanap ko rin si Lei.. Pare, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na si Miyaka sa akin ngayon, hindi ko na alam ang dapat kong gawin."
Nakikinig na lang ako sa mga sinasabi nya, yun ang kailangan nya ngayon, ang may makinig sa lahat ng hinaing nya.
Although alam ko ang totoo, na iisa lang si Miyaka at Lei, hindi ko dapat sabihin sa kanya yun. At hindi ko sasabihin. Wala akong karapatan.
Hindi sa gusto ko syang pahirapan, kaibigan nya ako kaya ginagawa ko ang makakabuti sa kanya, sa kanilang dalawa.
Kailangan nyang malaman ang totoo nyang nararamdaman, kung kanino ba. Kahit na iisa lang ang babaing minamahal nya.
"Mahal mo ba talaga si Miyaka, G.D?" Tanong ko sa kanya at nagsimula na ring ubusin ang beer na hawak ko.
"Oo. I love her. Everything about her. I really do love her."
Tinignan ko muna sya bago nagsalita, "How about Lei?" Tanong ko uli at napailing na lang sya.
"I don't know. I don't understand. Simula nung makilala ko si Miyaka, nakalimutan ko na si Lei, pero nung gabing nakita uli natin sya, naguguluhan na ako Ethan.. Masaya ako kapag kasama ko si Miyaka,yung tipong ayaw ko ng matapos ang araw para lang makasama sya. Pero.." Inubos nya muna ang beer na hawak bago uli nagsalita.
"Tuwing may paraan para makita ko si Lei, kahit iwan si Miyaka nagagawa ko.. Hindi ko na maintindihan pare, sobra na talaga akong naguguluhan.."
"You love them both. But the question is.. Sinong mas mahal mo? Sino ang pipiliin mo? Ang taong kasama mo na o ang hinahanap mo pa? Is it Lei or.. Miyaka?"
"I will find out."
"Sana nga malaman mo na.. Bago ka pa may pagsisihan, bago pa mahuli ang lahat, G.D."
Kinuha ko agad sa bulsa ko ang phone ko ng mag-vibrate.
'Lei on sight. Here at CC.'
Pagkabalik ko ng phone ko sa bulsa, humarap uli ako kay G.D.
"Lei is at Cheosbeonjjae Coliseum."
Napailing na lang ako ng tumayo sya at umalis.
"Hope you choose the right one." Bulong ko sa sarili ko at hinarap sila Julius. "Let's go."
MIYAKA's POV*
"Lei? What brought you here? You didn't call me!" Pagkatapos ko syang halikan sa pisngi naupo na ako sa sofa at isinandal ang ulo ko sa headrest.
Hinihilot-hilot ko rin ang sintido habang nakapikit, mejo nakakaramdam na ako ng hilo, bago kasi ako magpunta dito sa CC dumaan muna ako sa bar.
Akala ko makakalimot ako sandali, pero walang nangyari..
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~