Chapter Eighteen ~ Ian's sister
September 6 naaa! Next week na ang birthday namin ni Daryl! Debut ko na.. Sya magna-nineteen ^_______^
Sobrang bilis talaga dumaan ng panahon lalo na kung masaya ka..
At masaya ako! ^_________^
Wala naman kasing masyadong importanteng nangyari this last months, bukod sa..
Hanggang ngayon hindi pa umuuwi si Daddy.. At hindi ko alam kung nasaan sya, si Nanay lang naman kasi ang nakakausap nya, kaya mejo nakakalungkot.. Pero sanay na ko!
Mas marami na ring members ang Fansclub ni D3J, siguro nasa mga 10.000+ na. Halos lahat ng girls kasi ng school e sumali na..
Hindi naman kasi mahirap ang sumali, pero para di ka matanggal kailangan mong imaintain ang grades mo ng hindi bababa sa 2.00 [85 po sya sa college^^]. Kaya may mabuti ring nagagawa ang fans club nila..
Tapos.. Mas naging close kami ni Joan ngayon! Okay lang sa kanya na close pa rin kami ng D3J, in fact pati sya close na rin sa kanila.. Kaya nga lang, napapansin ko dumadalas ang pag absent nya, hindi ko na lang tinatanong, baka magalit e ^_____^v
Tsaka.. Hehehe *kilig*, nanliligaw pa rin sa akin si Daryl, oo hindi ko PA sya sinasagot.. Mas may maganda kasi akong plano, hehe.. Tsaka ayos rin naman sa mga 'fans' nya yung panliligaw sa akin, mas marami na nga rin akong kaibigan..
Pero hindi pa rin talaga ako nawawalan ng haters, pero hindi naman nila ako pinapabayaan..
Ayun, walang araw na hindi nya ako binibigyan ng flowers, chocolate o kung anu-ano pa.. Tulad ngayon, hihihihi..
"Good Morning, Mayii ^______^"
"Morning din.. *_________*"
Kinuha ko naman yung inaabot nyang flowers ^^, bago sya umupo sa tabi ko.
Ayun.. Nakikipagtitigan na naman sya.. Tapos, ako.. Parang nakamagnet din ang mga mata ko sa kanya..
Mga mata lang namin ang nag-uusap..
At parang gusto ko ng matunaw.. Hehe.. Pero pakipot muna, kaya nag-iwas na ako ng tingin.. Pumasok na rin kasi yung prof kaya lumipat na sya sa likuran namin, si Joan na uli ang tumabi sa akin..
Nasabi ko na bang nanliligaw na rin sa kanya si Julius? Eeeeehh.. Kinikilig po ako mga kaibigan! Hahaa..
__________
Ayun, may swimming class kami ngayon.. At hanggang ngayon di pa rin ako natututo TT^TT
Kahit may nagtuturo na sa akin, tutor? Wala pa din.. Takot pa din ako. Ganun din si Daryl, pero hindi na sya mapilit na matuto at baka magalit, hehe..
Nasa locker room ako ngayon, katatapos ko lang kasi magbihis ng pang-swimming, may swimming lesson ako ngayon, tapos after 1 hour yung klase na.. Pero 15 minutes pa bago magsimula ang pagtuto sa akin.
"Miyaka, pinapatawag ka na ni Sir Tim sa pool." Napalingon naman ako kay Mae, sya yung nagmamanage ng facebook fanpage ng D3J.
15 minutes pa ah? Maaga yata?
"Ah sige, salamat Mae.." Pagkaalis nya isasarado ko na sana ang locker nung mag-ring ang phone ko.
"Da?" Si Daryl yung tumatawag..
'Where are you, baby?' ^________^ Baby na talaga tawag nya sa akin, kahit hindi ko pa sya sinasagot, hehe..
"Andito sa locker room, pero pinapatawag na ako ni Sir Tim sa pool eh. Pupunta na ako ngayon."
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~