Chapter ThirtyFour ~ Lost Memory
JONATHAN'S POV*
2 days passed at hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Miyaka.
Kahit isa sa amin wala pang nakakaalam sa totoong nangyari kay Miyaka at si Miyaka lang ang makakasagot nun sa oras na magising sya.
May sinabi lang ang duktor na ang nangyari kay Miyaka ay maaaring makaapekto sa alaala nya.
Lalo na at may mga bahay raw syang gustong kalimutan at hindi nya kayang paniwalaan, pinipilit nya ang sarili nyang isip na lumimot..
Nung gabing dinala nila G.D si Miyaka dito sa ospital, agad kaming sumugod dito at kahit ako nabigla sa mga nalaman ko..
Sa mga nalaman ni Miyaka ng gabing yun.
Hindi ko man maramdaman ang sakit at hirap na nararanasan ngayon ni Miyaka, naiinitindihan ko kung gaano yun kahirap at kasakit.
At kahit ako hindi ko maiwasang magalit sa Daddy nya, ba't nya ba yun nagawa sa sarili nyang anak? Ang sisihin si Miyaka sa isang bagay na wala naman talaga syang kinalaman..
Nandito pa rin kami ngayon sa ospital dahil na rin sa pakiusap ni G.D, ayaw man nyang umalis at iwan si Miyaka pero sya lang ngayon ang may kakayahang puntahan ang Daddy ni Miyaka at dalhin dito sa ospital.
"Nakakaawa naman si Miyaka.. Ba't sa kanya pa nangyayari to?" Narinig kong sinabi ni Julius.
"At bakit gusto mo sa'yo?" Sagot naman ni Joseph.
"No! Baka magpakamatay na lang ako!"
"Stop that nonsense." Pigil ko sa kanila. "Lets just hope na magising na si Miyaka."
Napatingin kami bigla sa room ni Miyaka dahil may mga nagmamadaling pumasok na nurse at ang duktor nya.
Agad naman akong lumapit at papasok sana pero pinigilan ako ng isang nurse, "Hindi po muna kayo pwedeng pumasok, Sir. Kailangan po muna syang suriin ng Duktor."
Wala naman akong nagawa kundi bumalik sa pag-upo kasama nila Julius, lumipas na ang 3o minuto bago lumabas ang duktor na sumuri kay Miyaka.
"Doc, kamusta na sya?" Bungad ko sa kanya.
"I have to talk to her family regarding her condition." Bigla naman akong kinabahan sa tono ng pananalita ng duktor at sakto namang dumating na sila Daryl pati ang Daddy ni Miyaka.
Hindi ko sya kayang tawaging "Tito" ngayon.. Pasensya na.
"Doc. What happened to my daughter?" Agad na tanong ng Daddy ni Miyaka sa duktor.
"Follow me." Sumunod naman kami sa duktor sa opisina nito, syempre kasama kami.
"Nakakagulat ang kinalabasan ng tests namin sa anak nyo, Sir. But we are hopeful na as soon as possible, bumalik na ang mga alaala nya. She needs your help, tulungan nyo syang ipaalala ang mga bagay na magpapabalik sa alaala nya."
Alaala? Nakalimot sya? Sht.
"What are you saying, Doc?" Napatingin ako kay Tito Drew at halata na sa kanya ang labis na pag-aalala.
"She is suffering from amnesia. Though its not the severe one.. Lets just hope na bumalik ang mga alaala nya as soon as possible."
Napahinga rin ako ng maluwag pagkatapos kong marinig ang sinabi ng duktor, mabuti na lang pala at hindi sya malala.. Pero.. Ano ba ang mga hindi nya na matandaan?
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~