Chapter TwentySix ~ Chance
'MIYAKA AND D3J's LEADER G.D ARE NOW OVER'
Yan agad ang bumungad sa akin ngayong umaga papasok ng school at mapadaan ako sa bulletin board.
May mga nakapost pang mga picture namin ni Daryl kahapon na nasa hallway kami at hawak nya ang braso ko habang umiiyak ako.
Meron pa dati na nasa playground kami at nakayakap sya sa likuran ko habang umiiyak ako.
Lahat na lang ng picture namin, umiiyak ako? Galing nho?
Naramdaman ko na lang ang may humihila sa akin palayo sa bulletin board at sa gitna ng mga nagsisiksikang estudyante.
Hindi ko na rin kasi alam kung gaano na ako katagal nakatingin sa nakasulat doon at mga pictures.
Gustong-gusto ko ng magsawa umiyak, pero ang luha ko hindi maubos ubos.
Hindi ko na maintindihan kung bakit pa ako sobrang nasasaktan, kusa na lang kumikirot at sumisikip ang dibdib ko.
"Bessy.. Bessy? Bessy!" Napatingin ako kay Joan, nasa loob na pala kami ng room, di ko man lang namalayan. Masyado ng lumilipad ang isip ko.
"Are you okay?" Napaiyak na lang ako bigla ng marinig ang pag-aalala sa boses nya kaya kusa na akong napayakap sa kanya.
Naramdaman kong hinahaplos nya ang likod ko at pinapatahan ako.
Pero kahit anong pigil ko sa pag-iyak, lalo lang akong naiiyak.
Naaalala ko na naman kasi yung paghihiwalay namin ni Daryl.
Pakiramdam ko simula nung wala na kami, tinakasan na rin ako ng kaluluwa.
"Hindi ko alam, Joan.. Napapagod na ako. Bakit kasi ganito? Kaya noon ayokong pumasol sa isang relasyon kasi ayokong masaktan, natatakot akong masaktan. Pero ngayon.. Nasasaktan ako, bessy.."
"Andito lang ako, bessy.. Just cry. That might help.. Just cry."
Hinayaan ko lang na nakayakap ako sa kanya hanggang sa unti-unti na akong tumatahan sa pag-iyak.
Pero parang naiiyak na naman ako ng bumukas ang pinto ng room at nakatayo si Daryl doon na bakas sa mukha nya ang sobrang lungkot at pag-aalala.
Nakatingin lang ako sa kanya nang takbuhin nya na palapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
Napapikit na lang ako ng mariin para pigilan nag pagbadya ng luha ko ng marinig ang boses nya.
"I'm sorry, Mayii. I'm so sorry."
Kusa na akong napayakap sa kanya, kahit ngayon lang.
Gusto ko syang maramdaman bilang Miyaka. Kahit ngayon lang.
Naramdaman ko rin ang paghigpit ng yakap nya sa bewang ko kaya mas napakapit ako sa leeg nya at sinandal ang ulo ko sa dibdib nya.
Hindi ko na sya pinigilan ng hawakan nya ang kamay ko ng mahigpit at nagsimulang maglakad palabas ng room.
Nakatingin lang ako sa mga kamay naming magkahawak habang naglalakad, di ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
Napa-angat lang ako ng tingin ng maramdamang huminto na kami sa paglalakad.
At nagtama uli ang paningin namin, gustong malusaw ng puso ko sa paraan ng pagtingin nya sa akin.
Tama nga si Jonathan, bakas sa mukha nya, sa mga mata nya, na mas nasasaktan sya.
BINABASA MO ANG
A Gangster Love ♥
RomanceSACRIFICES of Loving and Being loved by a Gangster. My second dream-come-true story. Hope you'll enjoy 'til the end. Thank you. ~·~·~·PROPERTY OF·~·~·~ ~·~·~·an9helako·~·~·~