ISIB-IL [21] ~ Sino katext ko? ╮(╯_╰)╭

883 7 3
                                    

Chapter TwentyOne ~ Sino katext ko?

It's sunday.. Again.

Yeah. 1 week na ang nakalipas.1 week ko na ring hindi nakikita si Daryl.

Hindi ko sya nakikita sa school, sila Jonathan lang ang nakikita kong pumapasok. Kapag tinatanong ko naman sila kung nasaan sya, hindi raw nila alam.

Although nagkakatext kami ni Daryl, hindi ko sya nakakausap sa phone, nag-aalala pa rin ako.

At namimiss ko na sya.

Ayaw ko sanang mag-isip, pero hindi ko maiwasan. Bago pa lang kami, pero bakit ganito na? Di na agad kami nagkikita.

Kapag tinatanong ko naman sya kung nasaan sya, ang sinasagot lang nya may importante lang syang inaasikaso. At hindi na ako nangulit, pero nagtatampo pa rin ako.

Bakit hindi nya sabihin sa akin kung ano man yung pinagkakaabalahan nyang yun? X﹏X

Pagkatapos kong magbabad sa bathtub for an hour, nagbihis na ako.

Nagsuot lang ako ng plain white dress na hanggang tuhod, pinatungan ko din ng black blazer at flat shoes na white din. Nag-headband lang ako ng black, pearls na hikaw at necklace na may cross. Nang makuntento na ako sa ayos ko, naghanda na akong umalis.

Malapit na kasi magstart ang 3pm service sa COG Church.

Gusto ko kasi hapon ako nagsisimba para walang hassle, hindi pa mainit, naka fully-airconditioned naman ang buong church pero mas maganda talaga kung gantong oras.

Mga 2:30 na ako natapos, nagpahatid na lang ako sa driver namin, magpapasundo na lang din pag-uwi o magmamall na lang ako. Depende sa mood.

Wala uli si Daddy ngayon, but this time alam ko na kung nasaan sya, nasa Cebu. May bubuksan kasing bagong resto-bar dun kaya busy ulit sya.

Masaya ako.. Kasi alam kong ayos na kami ni Daddy, madalas kaming mag-usap nung nandito pa sya. Tungkol sa school, sa businesses namin at syempre si Daryl. Gusto nga raw nyang makilala pagbalik nya galing Cebu. Pero.. Hindi pa rin napag-uusapan ang tungkol kay Mommy. At tama na nga muna sigurong wag na muna namin sya pag-usapan, baka mas mabuti yun para kay Daddy.

Pagdating sa church, as usual malapit na namang mapuno, umakyat na ako, sa taas kasi ako pumupwesto para hindi masyadong puno at mas malamig.

Naglalakad na ako papunta sa pwesto ko pero may nauna na sa akin at talagang nakaupo sya kung saan ako pumupwesto.

Hindi ko sya makilala, kasi parang bago lang sya, tapos nakayuko pa.

Halos kilala ko na kasi lahat ng umaattend ng 3pm service na nakapwesto dito sa taas.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa nakaupo sa pwesto ko habang nakatingin sa kanya, parang familiar lang yung built ng katawan nya, maliban sa black nyang buhok.

Marahan akong yumuko at mahina syang kinalabit.

"Excuse me?" Untag ko sa kanya.

Pero napako ako sa kinatatayuan ko at natulala ng bigla nya akong yakapin.

"I missed you, baby."

"D-Daryl.." Ewan ko pero nakaramdam ako ng awkwardness, kasi nagtatampo pa ako sa kanya. Gusto ko kasing malaman yung dahilan ng pagkabusy nya, pero isasantabi ko muna.

Mamaya na kami mag-uusap paglabas namin sa church.

Hindi naman ako galit. Pero hindi ako mapalagay hanggat di ko nalalaman kung nasaan sya this past week. May tiwala naman ako sa kanya eh, gusto ko lang malaman. Yung totoo.

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon