SIBCHIL [17] ~ I love you(='.'=)

923 9 1
                                    

Chapter Seventeen ~ I love you

"Okay. You have 30 minutes to chat with them. I'm outta here."

Tumayo na agad ako at hinagis ang notebook pabalik kay Julius bago lumabas.

Pababa pa lang ako ng may maramdaman humawak sa braso ko.

"Ano baa??!" Sabi ko bago humarap sa humawak sa akin. "J-Jonathan.."

 

"Hindi pa ako naglalunch. Samahan mo ako." Hindi na ako nakasagot ng hawakan nya ako at hilahin pababa.

Nakatingin lang ako sa magkahawak naming kamay hanggang sa nakarating na pala kami sa canteen at pinaupo nya ako sa table sa sulok banda.

"Kumain na ako. Food mo na lang ang bilhin mo." Sabi ko bago sya umalis.

Pero bumalik sya ng may dalang maraming pagkain.

"Samahan mo rin akong kumain." Sabi nya pero bago pa sya maupo sa tabi ko, may nauna na sa kanya.

"I'm hungry too." Sabay kuha nya ng sandwich na para sa akin sana.

"Akin yan eh!" Sigaw ko sa kanya.

"It's not healthy for you. You're done, right? Then I'm not." Si Jonathan naman ang hinarap nya. "Why are you letting her eat like this?"

"Mauna na ako, Jonathan. May klase pa tayo." Tatayo na sana ako ng hilahin nya ako paupo ulit at hinawakan ang kamay ko. Ng mahigpit.

Hindi basta-bastang hawak. Yung parang naka-lock ang bawat fingers? Yun.

Kahit hilahin ko ayaw nyang alisin, ramdam ko tuloy ang init at lambot ng palad nya Ü

"Let me finish this. Sabay tayo papasok." Bulong lang yung huli nyang sinabi pero rinig ko pa rin.

Tatawa-tawa namang nakatingin sa amin si Jonathan na nasa tabi nya habang kumakain.

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon