ISIBSA [24] ~Minahal nya ba ako? o(╯□╰)o

837 7 0
                                    

Chapter TwentyFour ~ Minahal nya ba ako?

"A-Anong pinagsasabi mo, Jonathan?" Kunot-noo ko pa ring tanong sa kanya.

"It's kinda weird I know. But, na-love at first sight sya sa'yo, Lei."

Natulala ako sa sinabi nya.

L-Love at first sight?

Si Daryl?

Kay Lei?

Anong kalokohan to?

"It's true." Parang nabasa nya yata ang naisip ko. "He's been waiting to see you again after 2 years hiding. And he's eager to know your real identity, Miyaka."

Bigla na lang akong napalingon sa paligid at mabilis na lumapit sa kanya.

"Shut up. Baka may makarinig sa'yo!" Sita ko sa kanya.

"Last call for Lei.." Narinig kong pagtawag uli sa akin.

"Hindi nya pa rin alam na ako si Lei?" Mahina kong tanong sa kanya.

Umiling naman sya, "What's your plan now?"

"Lei! You're next!" Napalingon naman ako kay Kyle na kadarating lang.

"I'll help him." Tumalikod na ako sa kanya. "I'll help him choose."

Nasa malalim pa rin akong pag-iisip habang naglalakad papunta sa ring sa gitna.

Si Lei, ang first love nya..

Kahit na ako pa rin yun, magkaiba ng katauhan si Miyaka at Lei.

At hindi ko alam kung bakit nagkagusto si Daryl kay Lei..

At nasasaktan pa rin ako.

Kasi hindi ako, bilang Miyaka, ang una nyang nagustuhan, kundi si Lei na nag-eexist lang sa kakaibang mundo kung nasaan ako ngayon.

Nasasaktan pa rin ako at si Lei ang first love nya, at hindi si Miyaka.

Magulo ba? Naguguluhan na rin ako eh. Bakit si Lei pa? Ako pa rin yun eh. Sa ibang katauhan nga lang.

Si Lei na handa ng pumatay, para sa hustisya ng kaibigan nya. Si Lei na matapang at wala nang kinatatakutan.

Bakit hindi na lang si Miyaka? Si Miyaka na mahina at wala na yatang ibang gustong gawin kundi ang mahalin sya..

Totoo ang sinabi ko kay Jonathan kanina, tutulungan ko bilang Lei si Daryl.

Tutulungan ko syang malaman ang totoo nyang nararamdaman.

Kahit na ano pa mang kalalabasan.

Hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng ring kundi ko narinig ang mas malakas na hiyawan ng mga tao at ang pagdapo ng mabigat na kamay sa pisngi ko.

Napahawak nalang ako bigla sa pisngi ko ng maramdaman ang sakit nun at napatingin sa harapan ko kung saan nakatayo na pala ang kakalabanin ko.

Nang makabawi ako sa pag-iisip, sinipa ko sya sa sikmura, sapat lang para magkaroon kami ng mas malayong distansya sa isa't isa.

"And because tonight is a special night, players can use a weapon.." Sunod kong narinig ang mas lumakas na hiyawan ng mga tao at ang pagpasok ng dalawang lalaki at ang isa ay lumapit sa akin at sa kanya naman ang isa.

May hawak syang fishbowl at may mga papel na nakatupi ang laman, kinuha naman ako ng isa at tinignan ang nakasulat.

"Rope?" Then he handed me the rope.

A Gangster Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon