Kabanata IX

109 10 0
                                    

"Marunong kang tumugtog niyan?" tanong niya sa akin noong makita niya akong naglalakad bitbit ang gitara ni Kuya.

"Oo naman," sagot ko. "Magaling yata magturo ng gitara ang kapatid ko."

"Marunong si Ria?"

"Hindi siya marunong. Si Kuya ang nagturo sa akin."

"Mabuti ka pa marunong. Ako, hindi."

Ngumiti lamang ako.

"Saan ka nga pala pupunta?"

"Sa burol."

"Sa burol?"

"Oo. Madalas ako magpalipas ng oras doon. Kung hindi nagsusulat, tumutugtog ng gitara. Sinasabayan ko rin ng pagkanta. Perfect place, wala palaging tao roon."

"Mabuti pa sumama ako," nakangiting sabi niya. "Turuan mo akong maggitara."

"Sige," pagpayag ko.

---

Mabilis naming narating ang burol.

"Nagbago na pala ang isip ko," sabi niya pagkaupong-pagkaupo namin.

"Sige." Bahagya akong nalungkot. Marahil ay naiinip siyang kasama ako kaya uuwi na lamang siya.

"Ayoko nang magpaturo maggitara. Gitarahan mo na lang ako."

"Ha?"

"Tumugtog ka na lang. Kumanta ka na rin."

Napakatamis ng ngiting ibinigay niya. Makatatanggi pa ba ako?

"Sige. Anong kanta?"

"Kahit ano."

"Walang kantang ganoon ang pamagat," naiinis kong sambit.

Hindi pa rin nagbabago ang kanyang ngiti. "Kahit ano. Kung anong gusto mong kantahin ngayon."

Nagsimula ako. "There are places I'll remember all my life, though some have changed. Some forever not for better. Some have gone and some remain."

Hindi ko siya tinitingnan. May parte sa akin na nagsasabing ito ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayaw kong makita niya ito sa aking mga mata. Ayaw kong matiyak ang nadarama ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Hindi siya ang papalit kay Noel. Hindi siya ang tamang tao. 

Nagpatuloy lang ako sa pagkanta. "All these places have their moments with lovers and friends, I still can recall. Some are dead and some are living. In my life, I've loved them all." 

Hindi siya umiimik. Naiilang ako. Hindi ba maganda ang pagkanta at pagtugtog ko kaya hindi siya nagsasalita? Ano kaya ang tumatakbo sa isipan niya?

"But of all these friends and lovers, there is no one compares with you. And these memories lose their meaning when I think of love as something new," pagpapatuloy ko.

Titigil na ba ako? Pero, paano kung nakikinig naman siya? Kung sa bagay, wala naman dapat gawin ang isang tagapakinig kung hindi makinig.

"Though I know I'll never lose affection for people and friends that went before. I know I'll often stop and think about them. In my life, I love you more."

"Nahihiya ka ba sa akin?" tanong niya. "Tumingin ka naman dito."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Tiningnan ko na siya, kaya ko na naman tumugtog nang hindi tumitingin sa gitara.  "Though I know I'll never lose affection for people and friends that went before. I know I'll often stop and think about them. In my life, I love you more."

Salamat talaga kay Kuya Emil. Makakatulong ito para hindi mahalata ni Lio na nahihiya talaga ako. "In my life, I love you more."

"Ang galing mo pala," sabi niya.

Nagbalik na AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon