Kabanata XX

92 5 0
                                    

Hunyo 24, 2007 nang mailathala ang una kong nobela. Tama nga si James, marami ang magbabasa ng nobela ko.

Tinangkilik ng maraming tao ang malungkot na kuwento ni Alexa. Ang kuwentong iyon na likha lamang ng imahinasyon ko ang bawat bahagi ang siyang naging dahilan kung bakit naging kilalang manunulat ako.

Sa ngayon, pagkalipas ng tatlong taon ay apat na nobelang isinulat ko na ang nailathala; ang dalawa roon ay umani na ng mga parangal.

Narito ako ngayon sa isang istasyon ng telebisyon.

"Magandang umaga po sa lahat ng nanonood ng Mornings With Bernadette!" bungad ni Bernadette Ruiz. Oo, si Bernadette mismo ang nag-imbita sa akin.

"Today is April 1, 2010 and to make the first day of this month special to everyone, let us welcome our guest for today who is none other than the author of the best-selling novel, Gabi na, Alexa. Hindi po ito pang-April Fool's! Ladies and gentlemen, April Rain!"

"Good morning, Bernadette!" nakangiting bati ko sa kanya. "Magandang umaga rin po mga nanonood!"

"Good morning, April Rain!" Napansin ko na hindi pa rin siya nagbabago, napakaganda pa rin niya. "Una sa lahat, salamat sa pagpapaunlak mo sa imbitasyon namin sa'yo."

"It's a pleasure to here," nakangiting tugon ko.

Ngumiti siya. "No one deserves to be interviewed today but you, it's the first day of APRIL."

Tumawa ako.

"Pero teka nga, may we know kung bakit April Rain ang ginusto mong itawag sa 'yo?"

Hindi ko maaaring sabihin ang totoong dahilan ko. "Because anything can happen."

"Hmmm, ano'ng kaugnayan niyan sa April Rain?" magalang na tanong niya.

"Posible pa rin na pumatak ang ulan kahit sa gitna ng tag-araw," sagot ko.

Nagpalakpakan ang mga nanood sa studio.

"Makata talaga," nakangiting sabi niya. "Can you tell us your real name?"

Hindi siguro magtatagal at mababanggit na niyang kababata ako ng kasintahan niya.

"Maria Almira Rivera," tugon ko.

"Maria Almira, what a lovely name!" Nakakapagtakang hindi niya nabanggit ang tungkol sa minsang pagkikita namin noon.

"Mahal ko ang pangalan ko kahit pa sa isang pangalan na ninyo ako nakilala," wika ko na puno ng sinseridad.

Ngumiti siya ulit, ngunit pakiramdam ko ay hindi siya komportable sa akin.

"May ilang nanonood dito sa studio na gusto magtanong sa 'yo, maaari ba?" tanong niya.

Tumango ako. "Walang problema."

Naunang magtanong ang isang dalaga na nakasuot ng asul na uniporme, isa siya sa mga mag-aaral na nanonood.

"May copy po ako ng apat na nobelang isinulat ninyo. Fan niyo po talaga ako, e. My gosh, nahihiya ako."

Natawa ako.

Ngumiti siya, "Uhm. Gusto ko lang po sana malaman kung lahat po ba iyon ay gawa lang ng imahinasyon ninyo o ang iba ay nagawa ninyo based sa totoong k'wento na binigyan lang ninyo ng kulay at ibang details."

"First of all, thank you sa pagtangkilik mo sa mga nobela ko. Tungkol naman sa tanong mo, lahat ng gawa ko ay hindi base sa mga totoong pangyayari. But, I can't say that they are not real. Sa paniniwala ko kasi, gaano man kalayo sa realidad ang isang akda ay totoo pa rin ito dahil isinulat ito ng isang tunay na taong humaharap sa tunay na mundo. Kahit tungkol pa iyan sa super heroes o sa mga multo, naniniwala ako na may bahagi palagi ng buhay at pagkatao ng sumulat na nakalakip sa isang kuwento. P'wedeng hindi sa mga salita, p'wedeng nasa dahilan kung bakit naisulat or what," sagot ko.

Nagbalik na AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon