Kabanata XXIII

83 5 0
                                    

"Kumusta ka ngayon, April Rain?" Ito ang unang tanong sa akin--isang simpleng tanong na sa ngayon ay pinakamahirap sagutin para sa akin.

Pinilit kong ngumiti. "Honestly, hindi ko alam."

"I understand you, a year ago sa show ko e masayang-masaya ka pa," sabat ni Bernadette, na kasama ni Floyd Santillan sa programang ito.

"At doon niya unang inamin," sabi ni Floyd.

"Yes," pagsang-ayon ni Bernadette.

Ngumiti na lamang ako.

"April Rain, can we start asking you?" diretso pero magalang na tanong ni Floyd.

Tumango ako, bahagya na akong nilalamig sa mga sandaling ito.

"Ano'ng masasabi mo sa pagpapakasal ng dati mong kasintahang si James Roxas sa modelong si France Belmonte?"

"James deserves to be happy," matipid kong sagot.

"Pero nasaktan ka ba no'ng nabalitaan mo?" tanong ni Bernadette.

"Hindi naman maiaalis sa akin iyon. S'yempre nalungkot din ako."

"May sama ka ba ng loob?" tanong ni Floyd.

"Wala yata akong karapatan na magkaroon ng sama ng loob?"

"Kung may karapatan ka?" usisa ni Floyd.

"Hindi pa rin magkakaroon. Isa pa, halos kalahating taon na rin naman."

"Halos kalahating taon mula noong magpropose siya sa 'yo."

"That proposal!" bulalas ni Bernadette. "Kung sa akin iyon ginawa, hinding-hindi ako tatanggi. She's very lucky."

"She's not," hindi pagsang-ayon ni Floyd. "She unlucky, she lost that luck."

Hindi ko ipinahalata pero nakaramdam ako ng pagkairita kay Floyd.

"We can't say that, Floyd, siguradong may dahilan siya. We should respect that," pagtatanggol ni Bernadette.

"Yes. May personal akong dahilan."

"Okay. You were interviewed a month after that proposal pero ang sabi mo, hindi ka pa handa. Saan ka ba hindi handa?" Si Floyd iyon.

"Personal ang dahilan ko. I want to keep it private."

"At the age of 29, hindi ka pa handang mag-asawa?" tanong niya.

"Wala akong sinabing ganiyan," mariin kong tugon.

"Wait, it's okay if she doesn't want to answer that. Public figure siya pero may pribadong buhay din siya." Salamat at muli akong iniligtas ni Bernadette.

"Okay. Gusto ko lang malaman, April Rain, may nais ka bang sabihin kay James at kay France?" tanong ni Floyd. "Kay James muna."

"Gusto kong sabihin sa kanya na totoo ang naramdaman ko noong kaming dalawa pa. Hindi totoo ang iniisip niya. Napag-usapan na namin 'to, sa text, pero gusto kong sabihin ulit ito. Gusto kong sabihin sa lahat ng taong nagsasabing naging tanga si James na kung may naging tanga man dito, ako 'yon. Pinakawalan ko siya. Personal ang dahilan," napaluha na ako. "Pinakawalan ko siya. Personal ang dahilan. Ako lang ang may alam." Napailing ako. "Hindi niya ako deserve."

"I'm sorry," sambit ni Bernadette. 

"No, okay lang."

"Hindi ka na namin hihingian ng message para kay France." Tila naawa sa akin si Floyd.

"No, it's okay. Gusto kong sabihin kay France na...sana alagaan niyang mabuti si James. Wala rin akong sama ng loob sa kanya, hindi kagaya ng kumakalat na balita. Hindi nagbago ang tingin ko sa kanya. At lalong hindi ako galit kay France. She saved him."

Nagbalik na AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon