Kabanata VIII

98 8 0
                                    

"Ikaw si Lio?" tanong ko sa kanya pag-upo niya.

"Oo," sagot niya. "Kaya h'wag mo na akong tatawaging Rogelio. At h'wag na h'wag mo nang tatawanan ang pangalan ko kung hindi isusumbong na talaga kita sa tatay ko, sa original na Rogelio sa pamilya namin."

Ngumiti lamang ako. Hindi na ako nagsalita.

Lumilipad ang isip ko. Nawala ang konsentrasyon ko sa asignaturang ito na dati ay talagang tinututukan ko.

Lio. Siya si Lio? Kung gayon, totoo nga kaya na hiniwalayan na ni Althea ang lahat ng kasintahan niya para kay Lucio? Tiyak na labis na nasasaktan ang taong ito ngayon. Kung siya si Lio, hindi pala siya basta dating kasintahan ni Althea—ibig sabihin nito ay siya rin ang una at ayaw bumitaw-bitaw na kasintahan nito. Alam ko kung gaano niya kamahal si Althea, kung gaano siya nagpakahangal sa babaeng iyon.

Hindi ko alam pero para bang gusto ko siyang kumustahin o damayan o payuhan. Basta. Pakiramdam ko, may responsibilidad ako sa kanya. Dahil ba sa kaibigan ko ang posibleng dahilan? O sadyang noon pa man ay naaawa na ako sa kanya kaya gusto kong kunin ang pagkakataong ito?

"Almira." Kinalabit niya ako. "Tayo na lang?"

Nabigla ako. "A-anong ibig mong sabihin? Anong tayo na lang?"

Tumawa siya. "Hindi ka ba nakikinig? Kung sa bagay, kanina ka pa tulala riyan. Ano ba iniisip mo?"

"Ha?"

"Si Noel ba?"

"Ano? Ay, oo. Iniisip ko siya." Sa sobrang taranta ay inako ko ang isang bagay na hindi ko naman ginawa.

"May gagawin tayong project, by pair daw."

"Sige, pero paano si Katrina?"

"Hindi raw kasama 'yong mga wala ngayong araw."

"Gano'n ba? Sige."

Natapos na ang klase namin.

"Rogelio?"

"Almira naman!"

"Lio?"

"Bakit?"

"May kasabay ka ba kumain ng tanghalian?"

"Wala naman."

"Sabay na lang tayo. Wala kasi Katrina, wala akong kasama kumain."

"Sige," nakangiting sabi niya. "Halika na."

Wala nang lugar sa kantina noong dumating kami. Bumili na lamang kami ng pagkain at pumunta sa parkeng alam ni Lio, kung saan daw sila madalas kumain ni Althea noon.

"Talaga bang p'wede rito sa damuhan?" paninigurado ko.

"Oo, tingnan mo 'yong mga nasa paligid natin." Naglatag siya ng ilang pirasong papel para upuan ko.

Umupo na kami at nagsimulang kumain.

"Rogelio?"

"Isa pa!"

Tumawa ako.

"Lio?"

"Bakit?"

"Kumusta ka na?"

"Mabuti, mas mabuti kaysa noong huli tayong magkita."

"Mahal mo pa rin siya?"

"Hindi na katulad ng dati. Ikaw? Bakit iniisip mo na naman siya?"

"Lagot na," naisip ko.

"Nagkamali ka lang ba noon?" muling tanong niya.

"Nagkamali?"

Nagbalik na AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon